HINDI pa sure si Carlos Yulo kung anong gagawin sa napakalaking halagang matatanggap niya para sa dalawang gold medal na napanalunan niya sa 2024 Paris Olympics.
Milyun-milyong piso ang matatanggap na cash incentive ni Carlos matapos manalo ng dalawang ginto sa men’s gymnastics sa ginaganap na 2024 Paris Olympics.
Bukod sa cash na ipagkakaloob sa kanya ng mga pribadong kumpanya at government agency, may mga matatanggap din siyang bonggang properties kabilang na ang condo unit na nagkakahalaga ng halos P32 million.
Kung hindi kami nagkakamali, aabot na sa P60 million ang halaga ng cash at property incentives ang matatanggap ni Carlos dahil sa tagumpay na naabot niya sa Paris Olympics.
Inaasahan ding dadagsa ang endorsement offer kay Carlos pag-uwi niya sa Pilipinas tulad ng nangyari noon kay Hidilyn Diaz nang makapag-uwi siya ng medalyang ginto sa 2020 Olympics para sa weightlifting.
Sabi ni Carlos sa panayam ng ABS-CBN tungkol sa matatanggap na incentives, “Wow, I did not know that!”
“Yun nga din po, hindi ko na rin po, right now, alam. Pero may mga tao na po akong kilala na tutulong po sa akin and magma-manage po ng ganito.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics
“And siyempre, si Ma’am Cynthia palagi lang po siya nandiyan. Mag-a-ask po ako ng mga questions kung paano magandang gawin sa money,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion.
Pangako pa ng binata, “Pero for sure, I’m gonna save it and invest po in the future. Hindi naman po ako palaging atleta.
“Minsan lang ito. Sinyut ko yung shot ko and tumama naman po. I’m really grateful po kay Lord talaga,” sabi ni Carlos.
Samantala, after ng natamong tagumpay sa Paris Olympics 2024, plano ni Carlos na pagtuunan muna ang kanyang personal life, “Pero hindi ko pa rin po pababayaan ang physical health and mental health.”
“Wala rin naman po akong competition. As of now, ito na po yung pinakamalaking competition ko.
“Naging stressful din po yung taon na ito. So, focus muna din sa sarili and ia-align ko po yung utak ko ulit, and make ng plans ulit for another Olympic cycle,” sabi ng binata.
At sa tanong kung balak pa rin niyang sumali sa 2028 Los Angeles Olympics, “Yes po. Definitely po, 100 percent po.”