Ice super flex sa FPJ Lifetime Achievement Award ni Liza Diño

Ice super flex sa FPJ Lifetime Achievement Award ni Liza Diño

Liza Diño at Ice Seguerra

SUPER flex ang OPM icon na si Ice Seguerra sa bagong achievement na natanggap ng kanyang pinakamamahal na asawang si Liza Diño.

Kamakailan ay pinarangalan ang dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng FPJ Lifetime Achievement Award sa Luna Awards Night ng Film Academy of the Philippines.

Proud na proud na ibinahagi ni Ice sa kanyang Facebook account ang parangal na natanggap ni Liza kalakip ang litrato nito na kuha sa naturang awards night.

“Noong na appoint ka sa FDCP, ang sabi mo noon if there’s one thing na gusto mong gawin, mabigyan nang proteksiyon ang ating mga film workers.

Baka Bet Mo: Winwyn Marquez chinika ang kahalagahan ng pakikipag-bonding sa anak: Memories will last a lifetime…

“Sa buong anim na taon na pinagsilbihan mo kaming lahat, nakita ko kung gaano mo binuhos ang sarili mo para masiguradong ang mga filmmaker sa BUONG Pilipinas ay magkaroon ng oportunidad lumago at maipakita ang kanilang mga kwento, kahit saan man silang sulok sa bansa,” simulang pagbabahagi ni Ice.

Ibinandera rin niya ang kasipagan at dedikasyon ng kanyang partner sa bawat trabaho at posisyon na hinahawakan nito, lalo na noong pinamumunuan niya ang FDCP.

“You gave equal treatment, mapabago man o pillar na ng industriya, at sinigurado mo na tulong ng gobyerno ay makakarating sa kanila.


“You used your position to make everyone feel we’re one industry, taken care of and seen.

“For others, maikli ang anim na taon. Pero dahil ikaw ay ikaw, bawat minuto ng bawat araw sa anim na taon na iyon ay buong puso mong inalay sa serbisyo.

Baka Bet Mo: Sharon tama ang pagpili kay Kiko, payo sa mga in love: Choose wisely!

“Maraming salamat sa pagmamahal mo sa industriyang minsan ay mahirap mahalin,” lahad pa ng singer-songwriter.

Patuloy pa niya, “Congratulations, my love, sa FPJ Lifetime Achievement Award na ibinigay sa iyo nang ating mga kasamahan sa industriya. Ang mga taong pinagsilbihan mo ang mag-aangat sa iyo.

“Maraming salamat, Film Academy of the Philippines, sa paggawad kay Liza ng parangal na ito.

“I’m so proud of you!

“I love you so much!”

Read more...