Marian na-miss makipagbakbakan, walang keber kahit masugatan

Marian na-miss makipagbakbakan, walang keber kahit masugatan

Marian Rivera

GINANAP nitong Linggo, August 4, sa  Ayala Malls Manila Bay ang Gala night at Talk Back Session ng Cinemalaya full-length film entry na “Balota.”

Pinagbibidahan ito ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Nagsama-sama rito ang cast at crew ng nasabing pelikula produced by GMA Pictures and GMA Entertainment Group.

Marami ang talagang nag-abang na mapanood si Marian at kung paano niya binigyang-buhay ang karakter bilang Teacher Emmy. Ilang Balota screenings na nga ang soldout matapos ang opening ng Cinemalaya.

Baka Bet Mo: Dennis: Pinatunayan ni Rizal ang kagitingan niya sa pamamagitan ng paglaban kung ano ang tama at makatarungan

Ang “Balota” ay isa sa mga offering ng GMA Network sa Cinemalaya para sa taong ito. Mula ito sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda.

Sa gala night ay ibinahagi ni Direk Kip na malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil hinayaan siyang maipahayag ang pelikula gamit ang boses niya.

Aniya, “Kahit na mainstream studio sila, hindi nila pinakialaman ‘yung script, di nila pinakialaman ‘yung cut, nirespeto nila ‘yung voice ng direktor, kahit na may kagat at risk ang materyal na ito.”

Kasama sa cast na dumalo sina Wil Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, at Sue Prado.


Present naman ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Boobay, Gabby Eigenmann, Kokoy de Santos, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes upang magbigay ng suporta sa pelikula.

Sa talk back session ay ibinahagi naman ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng “Balota,” “Ang pelikulang Balota ay wake up call para sa atin.

“Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako,’ sana ma-realize ng mga tao ‘yun,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Pia sa mga in-love pero ayaw umamin: Habang itinatago mo ang feelings mo, hindi mo malalaman ang answer…

Napapanood na ngayon ang “Balota” sa mga piling sinehan bilang bahagi ng Cinemalaya Festival na tatagal hanggang August 11.

Samantala, bumilib din ang mga nakapanood sa mga buwis-buhay scenes ni Marian sa movie na tumangging magpa-body double sa shooting.

“Sabi ko, ‘Direk, ayoko, ayoko (body double). Kaya ko naman, grabe naman kayo sa akin.’ Sabi ko nga, ‘Na-miss ko ‘yung mga fight scene ko,” chika ni Marian nang makachikahan namin sa isang event.

Ipinakita pa nga niya ang mga natamong sugat sa mga ginawa niyang eksena, “Kapag nag-eksena ka na, ‘yung adrenaline mo sa pag-arte mo, parang hindi mo na iisipin kung, ‘Ay masusugatan ako.’

“Kapag ganu’n ang inisip mo, parang hindi maganda ‘yung kalalabasan,” sey pa ni Marian.

“No filter talaga lahat, eh. Kapag sinabi kong no filter, hitsura, lines at mga ginagawa. Lahat talaga, raw,” dagdag niya.

Read more...