Anak ni Donna Cruz nagtapos ng ‘Medical Biology’, magna cum laude pa

Anak ni Donna Cruz nagtapos ng ‘Medical Biology’, magna cum laude pa

PHOTO: Instagram/@yonglarrazabal

NAG-UUMAPAW sa saya ang ang singer-actress na si Donna Cruz dahil naka-graduate na ng kolehiyo ang kanyang anak na si Cian.

At bukod sa nagtapos ito ng kursong Medical Biology, siya rin ay magna cum laude ng kanilang batch!

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Donna ang academic achievement ng anak, kalakip ang graduation picture nito.

“My boy is graduating Magna Cum Laude today! I couldn’t be any prouder. Cian is finishing his Bachelor’s Degree in Medical Biology today,” panimula niya sa post.

Mensahe pa niya sa anak, “Congratulations, son! Your mom and I are beaming with pride at your accomplishment and because of what you have done with the opportunities presented to you.”

Baka Bet Mo: Donna Cruz humingi ng tulong sa madlang pipol: Sana mabuo uli kami nina Regine at Mikee!

“You did not waste the chance to carve your own dreams and aspirations. May you continue to do great so you may do good to others,” patuloy ng aktres.

Aniya pa, “Remember that every accomplishment is not only ours to celebrate but also for others to benefit from. May your degree be more than just a piece of paper. I hope it also serves as a call to be there for the community.”

Sa comment section, masayang-masaya rin ang mga pinsang artista ni Donna na sina Geneva at Sunshine Cruz.

“Congratulations, @cian_yl!!! The family is proud of you! God bless!!! [red heart emoji],” komento ni Geneva.

Sambit naman ni Sunshine, “Congratulations!! [clapping hands emojis]”

Bukod kay Cian, may dalawang anak pa si Donna sa kanyang mister na ophthalmologist na si Yong Larrazabal III na sina Belle at Gio.

Ikinasal sina Donna at Yong noong 1998.

Read more...