NAGHIHINTAY pa rin ang publiko sa paglantad ni Sandro Muhlach para ibahagi kung ano talaga ang ginawa sa kanya ng dalawang beking inireklamo niya ng sexual abuse.
Nangako ang panganay na anak ng aktor at negosyante si Niño Muhlach na magsasalita siya kapag nailabas na ng GMA 7 ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa inihain niyang complaint.
Ito’y laban nga sa dalawang GMA independent contractors na umano’y nanghalay kay Sandro sa loob ng kanilang hotel room.
Baka Bet Mo: Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro
Nag-issue na ng official statement ang mga inireklamo ni Sandro na sina Jojo Nones at Richard Cruz na parenong headwriter sa ilang programa ng Kapuso Network.
“Though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.
“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado nina Nones at Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Pinatotohanan naman ng talent manager at online host na si Ogie Diaz ang balitang matinding trauma ang nararamdaman ngayon ni Sandro matapos ang nangyari sa kanya.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates”, nabanggit ni Mama Ogs na hindi pa rin daw nakakatulog nang maayos si Sandro dahil sa nangyari sa kanya.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant
“July 21 ito nangyari. Ganu’n pa rin daw ang tulog ni Sandro. Nakakadalawang oras lamang daw itong bata kung makatulog dahil nga laging bumabalik sa alaala niya ‘yong nangyari na hindi niya kinaya
“Tuwing maliligo raw itong si Sandro, lagi niyang naaalala ‘yung nangyari at parang iniuusal na lang daw nu’ng bata sa sarili ‘yung ‘diring-diri ako sa ginawa sa akin. Ang dumi-dumi ng tingin ko sa sarili,’” pahayag ni Mama Ogs.
Nauna rito, may lumabas na chika na inakala raw ng dalawang bading na inireklamo na pa-booking daw si Sandro kaya inimbita nila sa tinutuluyang hotel.
Ito raw ang isa sa mga naging paliwanag nina Jojo at Richard nang kausapin sila ng mga bossing ng GMA Network tungkol sa isinampang complaint ni Sandro hinggil sa umano’y panghaharas sa kanya.
Sa YouTube vlog pa rin ni Ogie, nabanggit na ang naging katwiran daw ng dalawang headwriter ng GMA sa management ay inakala nilang “pa-booking” ang anak ni Niño.
At kasunod nga nito ay ang nangyaring panghahalay kay Sandro na nagresulta sa pagkakaroon ng trauma ng binata. Dahil dito, kinailangang sumailalim ng baguhang aktor sa psychological treatment.
“Napagkamalang pa-booking ‘yung bata, na hindi naman,” ang pahayag ni Ogie.