Sarah ‘di makapaniwala sa pagpanaw ni Alexa Gutierrez: ‘Why too soon?’

Sarah 'di makapaniwala sa pagpanaw ni Alexa Gutierrez: ‘Why too soon?’

PHOTO: Instagram/@antheabueno

IBINANDERA ng actress-model na si Sarah Lahbati ang pagluluksa niya sa pagpanaw ng sister-in-law na si Alexa Gutierrez.

Magugunitang tuluyang sumakabilang-buhay si Alexa noong July 27 dahil sa sakit na leukemia.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, inamin ni Sarah na hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

“I can’t wrap my head around why. Why. Too soon, Lex. It’s not fair,” caption niya, kalakip ang throwback picture nilang dalawa na nakangiti sa isa’t-isa.

Baka Bet Mo: 2 anak ni Ruffa makadurog-puso ang mensahe para kay Alexa Gutierrez

PHOTO: Instagram Story/@sarahlahbati

Kasunod niyan ay ang post na ibinabandera ang picture ni Alexa habang nasa beach at nakatingin sa malayo.

“Forever in my heart. My sestra, I love you,” mensahe ng aktres.

PHOTO: Instagram Story/@sarahlahbati

Taong 2020 nang ikinasal si Sarah sa aktor na si Richard Gutierrez makalipas ang sampung taong magkarelasyon.

Nitong Marso naman nang kumpirmahin ng aktres na naghiwalay na sila ng mister, pero hindi pa nila pinoproseso ang kanilang annulment.

Mayroon silang dalawang anak na sina Kai at Zion.

Samantala, si Alexa ay misis ng dating child star na si Elvis Gutierrez, ang kapatid ni Richard.

Matatandaang nitong Enero lamang nang isinapubliko ang tungkol sa kalagayan ni Alexa at ang pagkamatay niya recently ay kinumpirma mismo ng kanyang sister-in-law na si Ruffa Gutierrez.

Ang inurment ng misis ni Elvis ay ginanap nito Huwebes, August 1, habang ang burol o wake ay nangyari noong July 29 hanggang 31 sa Santuario De San Antonio, Forbes Park, McKinley Road sa Makati City.

Read more...