Franki Russell hindi na makaka-join ng Miss Universe 2024, anyare?

Franki Russell hindi na makaka-join ng Miss Universe 2024, anyare?

PHOTO: Instagram/@missfranki

MUKHANG hindi muna matutupad ang pangarap ni Franki Russell na makasali sa Miss Universe pageant.

Magugunitang siya ang napiling maging pambato sana ng New Zealand sa nasabing kompetisyon na gaganapin sa Mexico bago matapos ang taong 2024.

Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang kinansela ng Miss Universe NZ ang kanilang prangkisa.

Base sa kumalat na pahayag sa social media, ito ay dahil hindi ito nakasunod sa “specific order” ng Miss Universe Organization (MUO).

“[As] a result of our team’s non compliance with a specific order from the Miss Universe Organization, we have decided to cancel the franchise held by Yugen PR for Miss Universe New Zealand for 2024,” sey sa official statement na kinumpirma mismo ng isang House of Yugen representative sa INQUIRER.net.

Baka Bet Mo: Franki Russel ilalaban ang cyberbullying sa pagrampa sa Miss U 2024

PHOTO: Courtesy of Yugen Group

Para sa kaalaman ng marami, ang public relations practitioner at publisher na si Josh Yugen ng Yugen PR ang may hawak ng mga prangkisa ng Miss Universe Bahrain, Egypt, at Pakistan.

Noong Marso, bumisita pa nga dito sa Pilipinas si Josh upang ipakilala si Franki bilang titleholder ng Miss Universe New Zealand na lalaban sa 2024 Miss Universe pageant.

Maraming pageant followers online naman ang naniniwala na ang mga daring roles noon ni Franki sa pelikula ang posibleng dahilan sa naging balakid sa pagsali niya sa international competition.

As of this writing, wala pang inilalabas na official statement ang Filipino-Kiwi actress, pero nang masilip namin ang kanyang social media ay inalis na niya ang nakalagay na “Miss Universe New Zealand” sa kanyang profile.

Matatandaan sa dating post, ibinunyag ni Franki na ang pagiging kandidata niya sa nasabing beauty pageant ay ilang taon din niyang trinabaho.

“This really feels like a ten year journey in the making. I applied for Miss Universe New Zealand in 2014 – I was 19 at that time and really didn’t know who I was as a person,” bahagi ng kanyang caption.

Samantala, ang ating pambato na si Chelsea Manalo ay susubukang iuwi ang ikalimang titulo ng Pilipinas ng nasabing prestihyosong pageant.

Read more...