Direk Cathy ‘huli-cam’ na nakikiusap sa KathDen fans sa Canada

Direk Cathy 'huli-cam' na nakikiusap sa KathDen fans sa Canada

Direk Cathy kasama ang cast ng ‘Hello, Love, Again’

KASAMA rin pala si Joross Gamboa sa shooting ng pelikulang “Hello, Love, Again” sa Canada with Kathryn Bernardo and Alden Richards.

Ang akala kasi namin ay sa Hongkong lang siya base sa post niya sa kanyang Instagram ng mga larawan nila nina Direk Cathy Garcia-Sampana at ang mga bida ngang sina Alden at Kathryn.

Ang caption ni Joross sa mga ipinost na larawan, “Day 1 of Shooting kitang kita na super saya at excited ni Direk @kaybash1326 na makita ako.”

At ang isa pang caption ay, “(Canada Flag) Eyyy!!! JOY is ______.” Si Joy ay ang karakter ni Kathryn sa pelikula.

Baka Bet Mo: Alden, Direk Cathy nasa Hong Kong na para sa ‘Hello, Love, Again’

Nang makita kasi namin si Joross sa nakaraang 7th The EDDYS awards night na ginanap sa Marriot Hotel, Pasay City kung saan isa siya sa presenter ay natanong namin kung kasama go siya ng Canada at ngumiti muna sabay sabing “Secret.”

Sa “Hello, Love, Goodbye” kasi na kinunan sa Hongkong ay magkakasama sina Joross, Jeffrey Tam at Alden kaya sila ring tatlo ang bumalik sa HK para kunan ang mga eksena nila sa “Hello, Love, Again”.

Si Jeffrey kasi ay hindi na pala kasama sa Canada shoot dahil nagbawas daw ng tao, so baka nagtipid.

Nakikinita na namin na laging nakatawa si Direk Cathy kahit stress na siya sa shoot dahil nga si Joross ang kanyang “happy pill.”

Aba’y oo naman, kaming taga-media nga kapag ini-interview namin si Joross ay magtatawanan muna kaming lahat bago sasagot nang maayos ang aktor. Pero kapag nagseryoso naman ay talagang seryoso.

For sure hindi lang naman si Direk Cathy ang kinukulit ni Joross kundi ang buong Team Hello Love Again.

Samantala, wala nang sumunod na post si Joross dahil nga binilinan na ang lahat na walang magse-share sa social media ng nagaganap sa kanilang shooting sa Canada para hindi na malaman kung saan ang next location nila.

Sa una at ikalawang araw kasi nila roon ay hindi matapus-tapos si Direk Cathy dahil dagsaan ang fans ng KathDen sa set.

Napanood din namin ang video na kinakausap ng direktor ang fans na walang sisigaw o mag-iingay kapag lumabas na ang KathDen para magpakuha ng picture sa kanila ‘yun nga lang grupo-grupo na ang piktyuran dahil magtatagal kapag isa-isa sa rami ng mga nagpunta.

Sabi nga nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa vlog nilang “Showbiz Now Na” ay mangwawasak na naman ito sa takilya sa Nobyembre dahil inaabangan ito ng supporters ng KathDen.

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Tiyak na pinag-iipunan na ito ng mga tagahanga nina Kathryn at Alden sa Nobyembre, pustahan tayo, paulit-ulit nila itong panonoorin.”

Read more...