Trigger Warning: Mentions of sexual assault
DIRETSAHAN nang pinangalanan ng GMA 7 ang dalawang “independent contractors” na inireklamo ng Sparkle artist at anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach.
Hindi binanggit sa inilabas na official statement ng Kapuso Network kung ano ang eksaktong reklamo ng baguhang young actor laban sa umano’y dalawang gay TV executive.
Ngunit base nga sa mga naglabasang report, hinalay at pinagsamantalahan daw si Sandro sa loob ng kwarto ng isang hotel noong araw na ganapin ang GMA Gala 2024.
Binanggit sa opisyal na pahayag ng GMA 7 ang mga pangalan nina Jojo Nones at Richard Cruz na siyang inireklamo ni Sandro.
Baka Bet Mo: Anak ni Niño Muhlach matinding trauma ang inabot sa 2 bading
Sa pagkakaalam namin, si Nones ay creative consultant at headwriter ng ilang progama ng GMA habang si Cruz ay isa rin sa mga headwriter ng mga Kapuso shows.
Sinimulan na raw ng GMA ang kaukulang imbestigasyon hinggil sa insidente bago pa magsumite ng formal complaint ang panganay na anak ni Niño dahil sa “seriousness of the alleged incident.”
Nirespeto rin ng GMA ang pakiusap ni Sandro na huwag isapubliko ang mga detalye hinggil sa kanyang reklamo at sa isinasagawang imbestigasyon hangga’t wala pang pinal na resulta. Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA Network.
“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.
“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.
“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.
“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”
Nauna rito, nagbanta si Niño Muhlach laban sa mga taong hindi niya pinangalanan pero pinaniniwalaan ng marami na may kinalaman sa nangyari kay Sandro. Aniya, “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”
Kasunod nito ang galit na galit na post ng misis niyang si Diane Tupaz at stepmom ni Sandro.
“PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!
“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA! WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!
“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA! ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN! #JUSTICESHOULDPREVAIL,” ang buong pahayag ni Diane.
Kahapon naman, July 31, may pagbabantang post din ang kapatid ni Niño na si Angela Muhlach, sa kanyang Instagram Story, “Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop. We will fight for justice #MENTOO.”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paliwanag ng mga taong involved sa kontrobersiyang ito.