Donnalyn ido-donate ang kita sa YT para sa mga biktima ni Carina

Donnalyn ido-donate ang kita sa YT para sa mga biktima ni Carina

NANGAKO ang actress-singer at content creator na si Donnalyn Bartolome na ido-donate niya sa mga nasalanta ng bagyong Carina at Habagat ang kikitain ng kanyang YouTube channel.

Kung hindi kami nagkakamali, milyones ang nakokolekta ni Donnalyn mula sa mga vlogs sa kanyang YT channel at siguradong maraming matutulungan ang ilalaan niyang halaga sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa National Capital Region (NCR).

Ibinalita ng girlfriend ni JM de Guzman sa pamamagitan ng Instagram ang ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan nating na-displace ng super typhoon Carina na sinabayan nga ng Habagat.

“Babies sorry di ako nakakapag update ng ilang araw, madaming need gawin. Gusto ko lang kayo update na iniwan namin noon yung boats kung saan usually binabaha lagi at agad agad silang nagamit the same day the flood hit us because of bagyong Carina,” simulang pagbabahagi ng dalaga.

Patuloy pa niya, “Yung income sa pagnood niyo sa lahat ng videos simula noon til now dito sa projects na ganito napupunta kaya salamat sa inyo.

Baka Bet Mo: Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni ‘Paeng’ mula sa mabebentang skincare at cosmetic products

“Kailangan niyo malaman na bawat click niyo sa videos ko at pagsupport niyo sa kahit ano mang ginagawa ng team namin ay napupunta sa mga ganito so need niyo rin mapasalamatan.

“After the flood we’ve also demonstrated prevention na pwedeng gawin sa bansa natin. Pero yun po yung isa sa pinakamababang views na video ko sa channel ko way way back pa 3 years ago,” aniya pa.

“Sana mas maraming mainform na maraming paraan pa and PREVENTION IS THE CURE. Praying everyone is safe and is staying safe,” dagdag pa ni Donnalyn.

Siniguro rin ni Donnalyn na safe ang kanilang donation, “@influence_us.ph na po maghandle sa volunteers natin in the future, charity po itong nabuo dahil may mga friends at supporters ako na walang charity na mapagkatiwalaan sa donations nila noon dahil gusto nilang magdagdag sa mga nadonate na natin initially.

“Anything more than I can give is still more so just message them if may need po kayong idonate or abutan. And looking pa rin sila sa volunteers yung may malasakit sa mga tao and for our country,” pahayag pa ng dalaga.

Nauna rito, ibinandera rin ng vlogger sa madlang pipol ang ilan sa kanyang mga  adbokasiya, kabilang na ang paglaban niya para sa proteksyon ng kalikasan.

Makikita sa ilang IG post ng dalaga ang pakikiisa niya sa pagtatanim for flood prevention sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Hindi ko po iniinvolve masyado sarili ko sa politics pero I’m willing to work with government officials na willing to help us keep this project going dahil hindi po basta basta ako pwede gumalaw ng walang pahintulot. Planting needs permits and all.

“Salamat din sa DENR kasi isa sila sa gusto ito ituloy tong project with me years ago pa after tree planting project video was released, they contacted us agad agad.

“Kailangan natin ng volunteers and willing na leaders who can micro manage kasi hirap na hirap narin ako sa dami ko pong inaasikaso sa trabaho for sustainability ng lahat. Salamat po sa lahat ng gusto pang tumulong,” aniya pa.

Read more...