“MAY mga bagay na feel ko na sana if you said yes to it, I would have pursued it,” ang pahayag ni Marthena Melendez Jickain.
Si Marthena ang bunsong anak ni Konsehala Aiko Melendez na gustung-gustong mag-aral sa ibang bansa kung saan natanggap siya sa tatlong university sa United Kingdom at dalawa naman sa Amerika.
Ayaw kasing payagan ng aktres-politiko ang nag-iisang anak na babae dahil sa tingin niya ay hindi pa nito kayang mamuhay mag-isa sa ibang bansa.
Kaya ang sabi ni Marthena, “Sana you believe me enough na kaya kong gawin ang mga bagay na pino-prove ko naman sa ‘yo na gusto kong gawin.”
Baka Bet Mo: Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain
“We will get there anak, I told you naman na it’s probably not the right time now but you know eventually naman with your pursuant siguro naman maiintindihan ko na rin paunti-unti,” sagot ni Aiko sa anak.
Dagdag pa, “Naiintindihan mo naman si Mama na bakit hindi muna kita papayagan? I know isa ‘yun sa mga naiisip ko ‘pag mag-isa ako na dapat ba, pinayagan ko s’ya (Marthena) na mag-abroad mag-isa to be independent or hindi pa kasi kaya?
“Naiintindihan mo naman siguro ang rason ko why hindi muna for now. Hindi ko naman kino-close ‘yung opportunity mo to fly abroad and to study there kasi napatunayan natin na ilang eskuwelahan, natanggap ka.
“Hindi ko pa kasi kayang i-let go (Marthena) kasi nga babae at alam mo naman ‘yung attachment namin sa ‘yo ay iba rin, ‘di ba?” katwiran ni Aiko.
“Iniisip pa rin ni Mama na I’m still her baby girl, ‘yung emotional attachment which 100% I understand pero siyempre, iniisip ko na what if ipinagpatuloy ko, pero I know naman to myself na where I am now exactly where I need to be,” pahayag naman ng “mini-me” ng aktres.
Nagdiwang ng 18th birthday si Marthena kamakailan at napaka-intimate ng kanyang selebrasyon dahil wala pang 100 ang bisita base sa kuwento ni Ogie Diaz.
Si Ogie ang manager ni Aiko at siya na rin ang mamamahala sa career ni Marthena bukod pa sa pagiging ninong nito sa binyag.
Baka Bet Mo: Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’
Kaya ang tanong kay Marthena, mag-aartista na na siya, “Hindi po! Right now, it’s not my focus. Parang hindi pa ako masyadong out of my shell for that kind of stretch out of my comfort zone. So, gusto ko munang mga endorsements muna kung meron, (kaya) guys, baka naman.”
At dahil hindi nga pinayagang mag-aral sa ibang bansa kaya sa Ateneo de University muna nag-enrol ang dalaga para sa kursong Development Studies.
Ano ang pinag-aaralan sa Development Studies? “It’s like a multidisciplinary course on law, politics and economics. At least, if I have a grant on those areas all at once,” paliwanag ni Marthena.
Tinanong ng proud mom kung gusto nitong maging lawyer, “Actually, right now, that’s what I’d like to see myself doing in the future. Pero it’s a long time coming, so, I still have a lot of years to think about it, so, sana.”
Nu’ng summer ay kumuha ng crash course si Marthena sa Somerville College, University of Oxford, England na may kinalaman sa Law.
Tanong ulit ni Aiko, “Bakit lawyer?”
“Actually, I think it was also your influence, eh, kasi you’re in public service, there’s law din,” mabilis na sagot ng dalaga.
Napo-foresee ba ni Marthena na magsisilbi rin siya sa bayan tulad ng nanay niya pagdating ng panahon.
“That’s out of the picture, pero siyempre, iba (pakiramdam) kapag nakakatulong ka sa mga tao when you’re in public service, so, I’d like to help others as well. I just don’t know if it’s todo na sa public service or behind the scenes, so, any kind of that I can offer, I’m willing to do,” paliwanag ng dalaga.
Varsity player ng volleyball si Marthena noong nasa high school siya sa Poveda at magta-try-out siya sa Ateneo for scholarship para magtuluy-tuloy siya where she plays center na dating spiker.
“Kamukha ka ng mommy mo?” ano ang reaksyon ni Marthena.
“Siyempre, it’s a compliment kasi maganda ka, eh! Ha-hahahaha!” tumatawang sabi ng anak ni Aiko.
May pressure ba kapag naririnig na “anak ni Aiko Melendez”? “Siyempre, hindi matatanggal na you have your own name and your reputation that we have to protect and all that, and kami ni Kuya (Andre Yllana), parati naming iniisip na kapag nand’yan ka, we have to be good and ‘yung itinuro mo sa ‘min na parating maging mabait.
“So, I feel like we always have to put our best foot forward in anything,” paliwanag ni Marthena.
Samantala, nabanggit ni Aiko na malaki na ang ipinagbago ng bunsong anak na dati-rati ay palasagot. Ano ang nakapagpabago sa dalaga?
“Si Mommy Elsie (Castaneda, mama ni Aiko) kasi ‘yung influence niya siyempre siya ‘yung nagpapalaki sa amin, siya ‘yung kasama namin everyday (kaya) ‘yung ugali niya na acquire na namin.
“Hindi ko sinasabing sobrang bait ko and all pero ngayon ‘yung influence lang ni Mommy na be the better version anytime I can.
“Yun ‘yung iniisip ko everyday na you never know this person might be going thru a battle, so just be the kind person,” pahayag ni Marthena.
Kaya naman nagpapasalamat nang husto si Marthena sa kanyang Mommy Lola Elsie sa paggabay sa kanila sa panahong nagtatrabaho si Konsi Aiko.