Ivana sa isyung uma-attitude: Isa sa problema siguro ‘yung face ko!

Ivana sa isyung uma-attitude: Isa sa problema siguro 'yung face ko!

Ivana Alawi at Coco Martin

NAGSALITA na si Ivana Alawi tungkol sa mga naglabasang chika na kaya siya tsinugi sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay dahil uma-attitude na raw siya sa shooting.

Tinutukan ng madlang pipol ang episode ng “Batang Quiapo” kung saan pinatay na nga ang karakter ni Ivana bilang si Bubbles. Binaril siya ni McCoy de Leon na gumaganap na David.

Sa katunayan, nakakuha ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ng all-time high record with 610,927 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

“It’s something that I’ll treasure for a long time ‘cause this is the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things which is action, may comedy kami merong romance and you get to do that all in one project and of course, with that ‘yung tulong ni Direk Coco Martin,” ang pahayag ng sexy actress at vlogger sa panayam ni MJ Felipe.


Dagdag chika pa ni Ivana about her leading man, “He was very hands-on at talagang inalagaan niya ko from day one and I’m very thankful also to the whole cast. The whole cast, the whole team, ‘yung production sobrang babait nila.”

Totoo raw na tatlong buwan lang sana ang dalaga sa “Batang Quiapo”,  “Unang-una, tumawag sa akin si Tita Cory (Vidanes), sila Direk Coco sabi nila may project, itong ‘Batang Quiapo.’

“This was during the time nu’ng kinasal si Lovi (Poe). So sabi ko, ‘Okay po, how long?’ kasi hindi ko kayang matagal ‘cause I have other work. I have my vlog, I have other commitments also abroad.

Baka Bet Mo: Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

“Sabi ko ‘how long?’ ‘Tapos sinabi 3 months. ‘Okay, sige 3 months. I’ll do it,’ sabi ko. Okay kasi ganu’n ako, eh. Kapag papasok ako sa isang trabaho gusto ko ibibigay ko lahat. Hindi ‘yung after one month pagod na ako. Hindi eh. So, 3 months taping okay,” kuwento ni Ivana.

Hindi niya raw namalayan na na-extend na pala siya nang na-extend, “Magwa-1 year na! So nag-click siya. So nag-catch up lahat ng commitments ko. As in nahuhuli na ako so, nagpaalam ako nang maayos sabi ko hindi na talaga kaya.”

Pagpapatuloy pa niya, “Minahal ko talaga ‘yung character kong si Bubbles, so nagpaalam ako. So walang nangyaring tinanggal ako or something like that. That’s not true.”

Nilinaw din ni Ivana sa naturang panayam ang isyu tungkol sa pagiging primadonna niya sa shooting. Ang tsismis, may attitude problem na raw siya.

“Yung sinasabi na umaalis ako na hindi pa tapos ‘yung taping, I’ve never done that. Unang-una alam ko malaki ang cost ng production so kahit lumagpas ako ng oras, wala kong commercial the next day, walang problema.


“Hindi ako nagsasabi na ‘O, tapos na tayo aalis na ‘ko.’ Hindi ako ganu’n kasi may production cost. Everyone’s working hindi lang ako, so bakit magdedepende ako sa sarili ko na ayoko na eh, tapos na oras ko so I respect everyone.

“Yung attitude problem. Hindi ko alam, eh. Alam mo kasi isa sa mga problem ‘yung face ko,” natatawang sabi ng dalaga.

“Ito yung normal ha, kapag hindi ako naka-smile. I was born with an attitude face siguro. Hindi ko alam,” natatawa pa ring sey ni Ivana.

Natanong din siya kung paano tinanggap ni Coco ang kanyang resignation, “He understood kasi syempre I’m sure artista siya, director siya, creatives so he knows when you have so much.

“Sabi pa sa akin nila Tita Cory (Vidanes), ano ‘yung death scene. Sabi ko kahit ano, kahit anong gusto ni Coco kasi I trust him and if he thinks that this is the way I should leave the show or ito ‘yung dapat pumatay sa ‘kin hindi na ‘ko nagtanong.

“I really left it to them. Basta sabi ko wala kahit ano pong gusto n’yong gawin hindi po ako nanghihingi ng big exit or anything sabi ko kayo po bahala and I have so much respect for Coco Martin and it was a privilege and I still respect him and I still love the show,” pahayag pa ni Ivana Alawi.

Read more...