Eva Darren nasaktan, napahiya sa FAMAS: Gusto ko nang maglupasay

Eva Darren nasaktan, napahiya sa FAMAS: Gusto ko nang maglupasay

NAGLABAS ng pahayag ang beteranang aktres na si Eva Darren kaugnay sa nangyari sa kanya sa nagdaang FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts and Sciences) awarding ceremony.

Matatandaang noong May 2023, naging usap-usapan ang dinanas ng award-winning actress matapos ibahagi ng kanyang anak ang naging experience ng ina matapos itong kuning presenter sa FANAS na kalauna’y pinalitan at dinedma noong mismong araw ng awarding ceremony.

Sa latest talkshow vlog ng talent mabagef na si Aster Amoyo, ikinuwento mismo ni Eva ang naging karanasan noong dumalo siya sa FAMAS kasama ang mga apo matapos ma-invite bilang parte ng mga presenters ng award.

Aniya, malapit lang ang mesa nila ng mga kasamahan na sina Divina avalencia at Marissa Delgado sa stage kaya malabo ang chikang walang nakakita sa kanya kaya siya pinalitan.

Baka Bet Mo: Eva Darren nakiusap: Huwag n’yo naman kaming pabayaan at kalimutan

At noong hindi tinawag sa entablado si Eva at napalitan ni Sheena Palad ay nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili.

Paano kasi’y talagang pinaghandaan nito ang naturang awarding ceremony at binitbit pa niya ang mga apo.

“Parang gusto ko nang maglupasay non, kasi nahihiya ako. Maraming nakakaalam… manonood ng FAMAS, nagpaalam na ako sabi ko, mare, pasensya na ha, aalis na ako kasi nahihiya ako,” kuwento ni Eva.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa anak ko, sabihin mo pasensya na… Napahiya ako, ang sakit.”

Nang makauwi sa bahay ay napaiyak na lang daw si Eva kaya naman hindi na rin napigilan ng mga anak niya ang ilabas ang sama ng loon sa nangyari sa kanilang ina.

Matatandaang ang panganay nitong anak na si Fernando dela Pena na nasa ibang bansa ang nag-post sa Facebook patungkol sa naging trato sa kanyang ina sa FAMAS.

“Nanginig talaga ako, ‘yon lang, napahiya ako eh,” lahad pa ni Eva.

Dahil walang social media account ay nagulat na lang siya nang sabihin ng iba niyang mga anak na kalat at naibalita na ang kanyang traumatic experience.

Tila naka-move on naman na si Eva sa pangyayari dahil nagpaabot na rin ng apology ang pamunuan ng FAMAS sa kanya pati na rin sa kanyang pamilya.

Read more...