Mata natagpuan sa private part ni misis: Parang may maligno sa loob!

Mata natagpuan sa private part ni misis: Parang may maligno sa loob!

Screenshot mula sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’

NAKAKALOKA ang nangyari sa isang ginang sa Davao del Norte na bigla na lamang nakaramdam ng matinding pananakit sa baywang at sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Nu’ng una ay binalewala lamang ni misis, na itinago sa pangalang “Amanda”, ang kakaibang nararamdaman pero nang sumakit na pati ang kanyang private parts ay napilitan na siyang magpatingin sa isang maternity clinic.

Sa ulat ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, ikinuwento ni Amanda ang nangyari sa kanya at kung ano mga ba ang naging sanhi ng pananakit ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa kumadronang sumuri kay Amanda, bigla raw siyang nagulat nang makita ang isang tila malaking mata sa loob mismo ng puwerta ng ginang na inakala pa nga niyang isang maligno.

Baka Bet Mo: Kilalang male TV host bulol pa ring mag-Tagalog, feeling super galing

Kuwento ni Amanda, noong July 9 daw nang makaramdam siya ng pananakit ng baywang at napapadalas din ang pag-ihi. Nang pati ang kanyang ari ay sumakit na rin, nagpasya na siyang magpa-checkup sa maternity clinic.

Sabi ng midwife na si Guia Nena Calumpang, nabanggit ni Amanda na nais nitong magparaspa dahil feeling niya ay may naiwan sa loob ng kanyang puwerta. Baka raw may kinalaman ito sa ginawa ng kanyang asawa nang minsan silang mag-sex.

Nang silipin na nga ni Calumpang ang ari ng ginang ay na-shock siya sa nakita, “Bumungad sa akin talaga yung mata talaga na ang laki-laki. Napaatras talaga ako kasi sabi ko parang may maligno sa loob.”

Pag-amin ni Amanda, nang magtalik daw sila ng asawa ay may kung anong bagay daw na ikinabit ang kanyang mister sa ari nito na natanggal at posibleng naiwan sa loob ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Baka Bet Mo: Taylor Sheesh sinaktan, hinusgahan dahil bading: Takot na takot ako!

Aniya, gusto sana ng kanyang asawa na sungkutin ang naiwang bagay sa loob ng kanyang puwerta pero tumanggi siya dahil baka may masama pang mangyari sa kanya.

Nang makuha na ng komadrona ang bagay sa puwerta ni Amanda napag-alamang isa pala itong panali sa buhok na may nakalagay na “evil eye” na sinasabing pampaswerte at ginagamit na accessory sa mga bracelet at kuwintas.

Nagbabala naman ang ilang eksperto na delikado ang paggamit ng mga ganitong uri ng bagay sa pakikipagtalik dahil posibleng maimpeksyon ang maselang bahagi ng katawan.

Read more...