MULTO sa condo!? Yan ang naranasan ng premyadong OPM legend na si Basil Valdez sa tinitirhan niyang unit ilang taon na ngayon ang nakararaan.
May mga ligaw na kaluluwa o masasamang elemento raw ang nakapasok at nanggugulo sa condo unit ni Basil kaya kinailangan niya itong ipa-exorcise.
Isa ang nakakatakot na pangyayaring ito sa mga napag-usapan sa ginanap na symposium kamakailan para sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng yumaong Father of Filipino Philosophy na si Fr. Roque J. Ferriols.
Baka Bet Mo: Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila
“Basil Valdez once called for help, feeling spirits haunted his condo,” ang pagbabahagi ni Prof. Dr. Manuel Dy sa naturang symposium na ginanap sa Ateneo de Manila University.
May mga pagkakataon daw na talagang nararamdaman ni Basil ang presensiya ng mga nasabing elemento kaya naiingayan, naguguluhan at nai-stress na raw siya.
Kuwento ni Dr. Dy, kahit daw nasa retreat nu’ng panahong iyon si Fr. Ferriols ay talagang nagtungo ito sa bahay ni Basil para itaboy ang mga gumagalang espiritu sa lugar.
“Fr. Ferriols, despite being on retreat, went and blessed Basil’s condo, and the spirits disappeared,” sabi pa.
One hundred years old na sana ngayong 2024 ang itinuturing na pioneer ng Filipino philosophy na si Fr. Roque Ferriols na pumanaw noong August 15, 2021 sa edad na 96.
Ang legendary Ateneo de Manila University professor, ay nagbigay din ng inspirasyon sa maraming estudyante, kabilang na sina TV5 President and CEO Manny V. Pangilinan, Cardinal Tagle, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David, at marami pang iba.
Samantala, ang naganap na symposium na pinamagatang “The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols”, ay co-organized ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), sa pangunguna ni President Dr. Cecilio K. Pedro na hindi nakadalo but represented by EVP Victor Lim.
Ayon sa ilang nakakakilala kay Fr. Ferriols, ang rebolusyonaryong hakbang nito noong 1969 na magturo ng pilosopiya sa Filipino noong panahon na ang Ateneo ay pinangungunahan ng mga American Jesuit at ang mga klase ay nasa Ingles ay isang matapang na pampulitikang pagkilos.
At ang kanyang pagsasama-sama sa Eastern and Western philosophies, lalo na ang kanyang pagpapahalaga sa karunungan ng tao, ay nagpayaman sa kanyang mga turo ng pilosopiyang Pilipino.
Gustung-gusto rin diumano ni Fr. Ferriols ang musika, grabe ang paghanga nito sa Beatles, at ang kantang “Let It Be” ang isa sa sa kanyang mga paborito.
Ang FFCCCII ay business and civic organization na sumusuporta rin sa pagpapaunlad ng kulturang Pinoy, tulad ng The EDDYS awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), at pinararangalan din ang mga natatanging artistang Pilipino na may pamana ng Tsina tulad ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee, singer and composer na si Jose Mari Chan at beauty queen-actress na si Michelle Dee.
Samantala, nakausap din ng ilang members ng entertainment media sa naganap na pocket presscon ng naturang samahan ng mga Filipono-Chinese businessman sa Kamuning Bakery si FFCCCI Public Information Committee Co-Chairman Eddy Cobankiat.
Si Mr. Eddy ang may-ari ng Eslite S-Acetyl Glutathione na ine-endorse ng Kapuso actress na si Sanya Lopez. In fairness, five years nang brand ambassador ng naturang brand ang dalaga at super loyal pa rin siya rito.