Elvis Gutierrez labis ang pangungulila kay Alexa: I miss you so much!

Elvis Gutierrez labis ang pangungulila kay Alexa: I miss you so much!

Elvis Gutierrez at Alexa Gutierrez kasama ang dalawang anak

NGAYON pa lang ay nangungulila na si Elvis Gutierrez sa pagpanaw ng kanyang asawang si Alexa Uichico-Gutierrez matapos makipaglaban sa leukemia.

Miss na miss na raw ng kapatid nina Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ang kanyang misis na sumakabilang buhay nitong nagdaang Sabado, July 27 sa edad na 38.

Kung matatandaan, January, 2024 nang ma-diagnose si Alexa ng acute lymphoblastic leukemia, isang klase ng cancer kung saan ang bone marrow ay gumagawa ng napakaraming lymphocytes (isang uri ng white blood cell).

Baka Bet Mo: Eddie Gutierrez humagulgol sa lamay ni Susan Roces: ‘I miss you, you will always be a part of my life…see you in heaven’

Kahapon, nag-post si Elvis sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Alexa, kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi ang asawa. Wala siyang isinulat na caption dito kundi isang white heart emoji.


Ngayong araw, July 29, muling nagbahagi si Elvis sa kanyang Instagram page ng lumang photo ni Alexa na kuha sa loob ng isang kotse habang nakahawak sa manibela nito.

Ayon kay Elvis, ito raw yung araw nang turuan niyang mag-drive si Alexa ilang taon na ngayon ang nakararaan. Aniya sa caption, “You were 19 I was 22, this is the first day you learned how to drive.

“I wanted to capture how happy you were. You called me the best driving teacher.

“I miss you so much @alexaugutz,” ang mensahe pa ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Baka Bet Mo: Ka Tunying naniniwalang magaling na ang anak na may leukemia: Siya ang pinakadakilang Manggagamot!

Si Ruffa ang unang nagbahagi sa publiko ng pagpanaw ni Alexa sa pamamagitan ng Instagram at Facebook kalakip ang obituary ng yumao nilang mahal sa buhay.

“I am still trying to process and accept that you are no longer with us. (broken heart emoji).

“It’s so hard… (crying in tears emoji). Words cannot express how heartbroken and shocked I am.


“I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart.

“Until we cross paths again… (broken heart emojis) I’ll write more when able. Xx,” ang buong pahayag ng aktres.

Sa kanya ring Instagram page nag-post ang kapatid ni Elvis na si Raymond ng black-and-white photo ni Alexa, kasama ang dalawang anak nila ni Elvis na sina Aria at Ezra.

Ang mensahe ni Raymond, “You will forever be in our hearts @alexaugutz.”

Read more...