Heart hindi kaya kapag nawala si Chiz: I swear, ako na lang ang mauna!

Heart hindi kayang mawala si Chiz: I swear, ako na lang ang mauna!

Heart Evangelista at Chiz Escudero

FEELING ng Kapuso actress na si Heart Evangelista hindi niya kakayaning mabuhay sakaling mawala ang kanyang asawang si Senate President Chiz Escudero.

Napag-usapan ang health condition ni Sen. Chiz sa pagbisita ni Heart sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon July 29 na naging isyu nga ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Kumalat last April 5, 2024 ang balita na na-stroke raw ang senador at isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City. Hindi nagsalita o naglabas ng official statement ang public servant si Sen. Chiz about this.

Baka Bet Mo: Dingdong: Gagawin natin lahat para mabuhay ulit ang movie industry

Pahayag ni Heart tungkol sa kalusugan ng kanyang asawa, “He’s very good. He’s super good now. He had an episode.


“It was an episode and it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth.

“And now he’s doing very, very good, everything perfect, and I make sure perfect,” sabi pa ng Kapuso actress na hindi naman nabanggit kung ano talaga ang naging karamdaman ng asawa.

Kasunod nito, nabanggit nga ni Heart na parang hindi niya kayang mabuhay mag-isa kapag may nangyaring hindi maganda kay Chiz at iwan siya.

“If he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna! Hindi ko talaga kaya. Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,” ang emosyonal na sabi pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Heart super proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, agaw-eksena ang OOTD

Sundot na tanong ni Tito Boy, “You’re very emotional about it?” Tugon ng aktres, “Yes, because it is a cruel world. It’s a mean world.

“And without Chiz, I don’t know how will I survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything, but mauna na lang talaga ako,” sabi pa niya.


Samantala, kinumusta rin ni Tito Boy ang pagiging presidente ng Senate Spouses Foundation ni Heart kasabay ng pagiging Senate President ni Chiz.

“It’s very tough. It’s also very tough for me kasi I have a lot of questions, I don’t know what to do. I am scared but then, ayoko naman din siya (Chiz) abalahin pa.

“So I just have to trust my intuition and my heart that I mean well and I’ll do my best,” aniya pa.

Read more...