Teacher Georcelle, Sarah G hindi pa rin nagkikita, nagkakausap

Teacher Georcelle, Sarah G hindi pa rin nagkikita, nagkakausap

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa nagkikita at nagkakausap ang dance teacher at choreographer na si Georcelle Dapat-Sy at Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Diretsahang inamin ng leader at may-ari ng G-Force na until now ay wala pa rin silang komunikasyon ni Sarah G at hindi pa rin daw sila nagre-reconnect.

Alam naman ng lahat na ilang beses na ring nag-collab sina Teacher Georcelle at Sarah, mula sa mga music video ng wifey ni Matteo Guidicelli hanggang sa mga live concert nito.

Pero naging usap-usapan last year na nagkaroon umano ng falling-out ang dalawa nang hindi na nakasama ang G-Force sa 20th anniversary ng Popstar Royalty noong May, 2023.

Baka Bet Mo: Sarah nagsalita na isyu sa kanila ng G-Force: ‘I wanted them to be there to celebrate my 20 years with me…baka maiyak ako’

Nabanggit ni Teacher Georcelle na “artistic differences” ang dahilan kung bakit hindi nag-participate ang G-Force sa naturang oncert. Aniya pa, ipinagdarasal niya na sana’y maging maayos pa rin ang samahan nila ng actress-singer.

Sa naganap na recital ng G-Force na “Project 2024” nitong nagdaang Sunday sa Solaire, sinabi ng choreographer na hindi pa sila nagkakausap uli ni Sarah.

“No, we have not. You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations.

“I am very thankful. I am very blessed for all the collabs that we’ve done,” ang sabi ni Teacher Georcelle sa isang panayam.

“So, I wish her all the best, and I hope that she wishes all the best also for my team,” mensahe pa niya.

Kung hindi kami nagkakamali, 16 years ding nag-collab sina Georcelle at Sarah. Isa sa mga tumatak na dance moves sa mga Pinoy na kanilang pinasikat ay ang iconic track na “Tala.”

Read more...