PUNONG-PUNO ng pasabog ang 2024 Paris Olympics mula sa lighting ceremony hanggang sa performance ng legendary singer na si Celine Dion.
Pero naging agaw-pansin ang isa sa naging opening ceremony ng sports event.
Ito ‘yung “The Last Supper” parody na tampok ang drag queens kung saan ginaya umano nila ang isang biblical scene ni Jesus Christ kasama ang 12 apostol na nagsasalo-salo sa huling pagkain bago ang pagpapako sa krus.
Mapapanood din sa nasabing performance na may transgender model at nakahubad na singer na nag-ala Greek God of Wine na si Dionysus.
Dahil diyan, marami ang napataas ng kilay at hindi natuwa, lalo na ang mga Katoliko, Christian groups at conservative politicians mula sa iba’t-ibang bansa.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega kakampi raw ang Diyos, mas tumibay pa ang pananampalataya
Katulad na lamang ng simbahang Katoliko sa France na pinuna ang nabanggit na segment.
“This ceremony has unfortunately included scenes of derision and mockery of Christianity, which we very deeply deplore,” saad ng Conference of French bishops sa inilabas na pahayag.
Inihayag din ng ilang personalidad sa social media ang kanilang pambabatikos sa parody.
“To all the Christians of the world who are watching the #Paris2024 ceremony and felt insulted by this drag queen parody of the Last Supper, know that it is not France that is speaking but a left-wing minority ready for any provocation,” sey ng French far-right politician na si Marion Marechal sa kanyang X (dating Twitter) account.
To all the Christians of the world who are watching the #Paris2024 ceremony and felt insulted by this drag queen parody of the Last Supper, know that it is not France that is speaking but a left-wing minority ready for any provocation. #notinmyname
À tous les chrétiens du monde… pic.twitter.com/GusP2TR63u
— Marion Maréchal (@MarionMarechal) July 26, 2024
Komento naman ng Deputy Prime Minister of Italy na si Matteo Salvini, “Opening the Olympics by insulting billions of Christians in the world was really a very bad start, dear French. Sleazy.”
Aprire le Olimpiadi insultando miliardi di Cristiani nel mondo è stato davvero un pessimo inizio, cari francesi. Squallidi. #Paris2024 pic.twitter.com/3RpNvUundd
— Matteo Salvini (@matteosalvinimi) July 27, 2024
Kahit ang American billionaire na si Elon Musk, hindi sang-ayon sa opening ceremony ng Paris Olympics.
“This was extremely disrespectful to Christians,” sambit niya sa isang nag-post, pero deleted na ang video.
This was extremely disrespectful to Christians
— Elon Musk (@elonmusk) July 26, 2024
Baka Bet Mo: Manny Pacquiao hindi pinayagang lumaban sa Paris Olympics, anyare?
Hindi naman nagtagal ay humingi ng sorry ang organising committee ng 2024 Paris Olympics sa lahat ng na-offend ng nasabing performance.
“Clearly there was never an intention to show disrespect to any religious group. [The opening ceremony] tried to celebrate community tolerance,” wika ng Paris 2024 spokesperson na si Anne Descamps sa isang press conference.
Aniya pa, “We believe this ambition was achieved. If people have taken any offense we are really sorry.”
Samantala, ang Pilipinas ay may 22 athletes na lalaban para sa nasabing sports event.
Kabilang na riyan ang mga boxer na sina Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Carlo Paalam.
Bukod sa kanila, present din bilang kinatawan ng bansa sina John Cabang Tolentino, EJ Obiena at Bianca Pagdanganan.
Ang mga bayaning Pinoy Olympians ay rumampa rin sa Olympic opening ceremony sa River Seine suot ang “Sinag” barong mula sa fashion designer na si Francis Libiran.