HOROSCOPE NOVEMBER 09, 2013 | Bandera

HOROSCOPE NOVEMBER 09, 2013

Madam Sophia - November 09, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung gusto mo talagang magtagumpay, anoman ang iyong ginagawa, wag  kaladkarin ang iba para samahan ka. Gawing mag-isa at may kalayaan ang anomang naiisip. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 4, 6, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Red at white ang buenas.      
Arie – (Marso 21-April 19) –   Magbagong buhay ka! Hanapin ang mas masayang pag-ibig na hatid ng isang Libra. Sa panalapi, hindi mo mapapabilib ang mga tao sa iyong mabilis na pagsasalita. Baguhin ang istilo, bilisan naman ang pagta-trabaho. Mapalad ang 5, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Beige at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –   Ang iba’t- ibang bahagi ng iyong pagkatao ay dapat gumana. Gamitin ang spiritual power panatiliin ang pagdarasal bago matulog. Sa pinansyal at pag-ibig, habang napapalapit ka kay Lord lalo ka namang susuwertehin at pagpapalain. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Pink at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –  Tulad ng isang mandaragat, makipagsapalaran ka upang mabago ang kapalaran. Wag matakot pumalaot sa malayong lupain upang umunlad. Sa pag-ibig, kung lagi kang magsusumiksik sa iyong kasuyo, walang mangyayari sa inyong buhay. Mapalad ang 4, 7, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Adhena-Om.” Green at white  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –  Hindi na uso ang plastic, bumabara lang yan sa mga kanal! Magpakatotoo sa iyong sarili sa anomang sitwasyong papasukin. Sa ganyang paraan, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –     Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito at ang araw ng bukas, dobleng suwerte ang darating. Sa huling oras ng gabi may isang masarap na romansang aanihin. Sa pinansyal, may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 9, 15, 28, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –   Ipagpatuloy ang pagiging makasarili, yan talaga ang paraan upang yumaman. Kapag maraming-marami ka ng pera magagawa mo na ang lahat. Sa pag-ibig, tutukan sa romansa ang minamahal, bago siya tuluyang lumayo sayo. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Orange at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –    Kumpletuhin ang misyon mo sa mundo. Ang magluto ng isang napakasarap na menu at pagkatapos ay ipatakim sa iyong mga mahal sa buhay. Sa simpleng kabutihang nabanggit, mawawala ang iyong problema, mga suwerteng pangyayari ang kusang darating. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kevalam.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –  Mamaliitin ka ng mga kasamahan mo, wag silang pansinin, sa halip lalo mo pang pagbutihin ang iyong pagta-trabaho. Makaaahon karin, at makikita nila, darating ang panahon, isa kang matagumpay at mayamang nilalang. Mapalad ang 6, 9, 21, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –    Maraming dadamay sayo sa araw na ito, kaya maiibsan ng malaki ang iyong mga dinadalang suliranin. Para mapanatili ang mga tapat at mabubuting kaibigan, wag mo silang uutangan. Mapalad ang 5, 11, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Gray at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Kahit na tanggihan ka ng iyong kapwa hindi ka dapat tumigil. Kulitin mo sila ng kulitin. Sa pagiging makulit, uunlad ka, at mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 19, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed.”  Red at pink  ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –    ‘Wag hayaang maapektuhan ka ng problema ng ibang tao lalo na sa pag-ibig. Ang awa at concern ay hindi dapat gamitin sa ngayon, sa halip, mas dapat iprioridad ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi.  Mapalad ang 4, 9, 18, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Brown at bule ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –   Umupo sa isang sulok na malapit sa nature. Bulayl-bulayin ang gagawin mong pagbabago, upang mas lalong umunlad at lumigaya. Ang unang tanggalin ay ang iyong ego, pride at kayabangan. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Violet at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending