LPA binabantayan sa Luzon, habagat magpapaulan pa rin sa bansa –PAGASA

LPA binabantayan sa Luzon, habagat magpapaulan pa rin sa bansa –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

PATULOY na mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Low Pressure Area (LPA) sa bansa.

Huli itong namataan 220 kilometers sa bahagi ng Aparri, Cagayan.

Sa isang press briefing kaninang umaga, July 29, sinabi ni Weather Specialist Obet Badrina na maliit ang tiyansa nitong maging isang bagyo.

“Sa ngayon, medyo nahihirapang maging isang bagyo itong Low Pressure Area dahil nasa isang environment siya na hindi conducive para ma-develop into a Tropical Depression,” paliwanag niya.

Wala pang epekto sa bansa ang LPA, pero magpapaulan pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan nakipagbayanihan para sa nasalanta ni Carina

“Kaya sa mga kababayan natin, lalong-lalo na sa mga magulang, guro, mga estudyante na papasok ngayong araw, asahan pa rin ang natin ‘yung mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi, habang sa tanghali may tiyansa at medyo mainit na panahon, lalo na sa bahagi ng kabisayaan at sa Mindanao,” abiso ni Badrina


Base sa weather bulletin sa araw na ito, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, at Bataan.

May isolated rain showers naman sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at sa nalalabing lugar sa Cordillera Administrative at Central Luzon.

Read more...