KCC pak na pak sa mga ‘libreng’ festivity ngayong Agosto, ano kaya ito?

KCC pak na pak sa mga ‘libreng’ festivity ngayong Agosto, ano kaya ito?

PHOTOS: Courtesy of Korean Cultural Center in the Philippines (KCC)

BILANG patuloy pa ring ipinagdiriwang ang ika-75th year na pagkakaibigan sa pagitan ng Korea at Pilipinas ngayong Agosto, naghanda ulit ng exciting na mga ganap ang Korean Cultural Center in the Philippines!

Ang susunod nilang pasabog ay sumasalamin sa mayamang kultura ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mga aktibidad sa palakasan at family-oriented festivities.

Baka Bet Mo: ‘K-Comics World Tour’ umarangkada na, bida ang webtoons na ginawang K-Drama

Sticks & Kicks: Phil-Kor National Sports Demonstration

PHOTOS: Courtesy of Korean Cultural Center in the Philippines (KCC)

Babandera riyan ang top athletes ng dalawang bansa upang i-showcase ang kanilang galing sa Taekwondo at Arnis.

Ang mga magpapakitang-gilas ay ang Kukkiwon o mas kilala bilang World Taekwondo Headquarters at ang Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF).

“From Korea, Kukkiwon, will amaze the audience with its powerful and graceful Taekwondo performance, embodying the art, discipline, and spirit of this martial art,” sey sa press release ng KCC.

Dagdag pa, “Representing the Philippines, the PEKAF will demonstrate the precision and skill of Arnis, the Filipino national sport, with a showcase of techniques, moves, and drills.”

Bukod diyan, magkakaroon din ng historical performances ang Philippine Baranggay Folk Dance Troupe at NARA, ang traditional performing team ng KCC.

Mangyayari ang event sa Globe Auditorium, BGC Arts Center sa darating na August 9.

Libre lang ito sa publiko, pero kailangang magpa-reserve ng tickets sa website na ito: bit.ly/KicksandSticksRegistration

The Forest Music Band, Dung Dda Koong

PHOTOS: Courtesy of Korean Cultural Center in the Philippines (KCC)

Kung naghahanap naman kayo para sa mga tsikiting, pwedeng-pwede ang upcoming children’s play na “The Forest Music Band, Dung Dda Koong” na inihandog mismo ng KCC in partnership with the Namwon National Gugak Center.

“The story revolves around six animal friends preparing for “Tiger’s” birthday party, promising an engaging and educational experience for young audiences. The show is ideal for ages 3 and up,” saad sa synopsis ng musical play.

Ito rin ay isang interactive performance para sa mga bata kung saan ay makaka-experience sila ng ilang traditional Korean musical instruments kabilang na ang haegeum, gayageum, geomungo, at ajaeng.

Ang show ay gaganapin sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) sa Maynila sa August 18.

Libre lang din ito, pero limited lamang kaya abangan ang update ng nasabing cultural center upang malaman kung paano makakapag-reserve ng tickets.

Read more...