Gloc-9 sa pagra-rap: Masakit na rin lalamunan ko, may nararamdaman na

Gloc-9 sa pagra-rap: Masakit na rin lalamunan ko, may nararamdaman na

Gloc-9

DIRETSAHANG inamin ng premyadong rapper at songwriter na si Gloc-9 na hindi na rin madali para sa kanya ang mag-perform nang live sa mga gig at concert.

Struggle is real” na rin daw para sa kanya ang pagkanta dahil sa edad niyang 47 at may 27 years na siya sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: Gloc-9 muntik nang maging OFW, inalala ang hirap bago maging sikat na rapper

“Hindi na po madali, masakit na rin ang lalamunan ko, may mga nararamdaman na ako after kong kumanta. Alam ko din na hindi na ganung karami ang palakpak na nare-receive ko,” ang pahayag ni Gloc-9 sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”


Tanggap na rin daw ng singer-songwriter ang katotohanan na marami ngayon ang mas magaling at mas bata sa kanya at in fairness sa halip na inggit at insecurity ang maramdaman, natutuwa at na-excite pa siya hinggil dito.

Isa raw sa hinahangaan niyang batang rapper at songwriter ay si EZ Mil na naka-base ngayon sa Amerika at doon gumagawa ng sarili niyang pangalan. Mas lalo pa siyang bumilib sa binata nang maka-collab ang international singer na si Eminem.

“Ako’y tuwang-tuwa na ako’y buhay na nakita ‘yon. Para mabuhay ako sa time na may isang Pilipino na naka-apiran niya yung mga artist na pinakikinggan namin sa CDs ay isang bagay na dapat ipagmalaki mo talaga,” sabi ni Gloc-9.

Baka Bet Mo: Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Samantala, inamin din niya na natakot siya nang ilabas ang kantang “Sirena” noong 2012, lalo na sa magiging reaksyon ng LGBTQIA+ community.

Baka raw kasi meron siyang lyrics sa song na hindi tama at mabatikos ng mga members ng komunidad.


“Kung alam n’yo lang kung gaano ako katakot noong time na ni-release naming ‘yung kanta. Dahil ayaw kong malaman na meron akong inilagay doon na hindi tama,” sabi ng rapper.

Ngunit sabi sa kanya ni Tito Boy, maituturing regalo sa LGBTQIA+ community ang “Sirena”, “That has become an anthem. Maraming, maraming salamat, hindi lamang nanggagaling sa akin pero galing na rin sa community.”

Nauna rito, nabanggit din ni Gloc-9 na inspired sa kanyang anak na beki ang “Sirena.” Ilan pa sa pinasikat na kanta ni Gloc-9 ay ang “Upuan,” “Bagsakan,” at “Simpleng Tao.”

Read more...