Ogie Diaz inimbestigahan ang viral video ni Mark Anthony: ‘Di ko siya in-enjoy!

Ogie Diaz inimbestigahan ang viral video ni Mark Anthony: 'Di ko siya in-enjoy!

AMINADO ang showbiz insider na si Ogie Diaz na inimbestigahan niya ang maselang sex video ni Mark Anthony Fernandez na kumakalat sa social media kamakailan.

Sa July 25 episode ng “Showbiz Update” ay sinabi ni Ogie na nag-imbestiga siya sa viral video pero hindi niya in-enjoy ang mga nakita.

“Sa totoo lang, dapat mag-iingat si Mark. Ayan, lumabas na. Hindi natin alam sino bang naglabas no’n. Silang dalawa lang no’ng girl ang nandoo’n. Kaninang camera ‘yong gamit?” saad ni Ogie.

Aniya, talagang pinaglaanan ng oras na ma-edit ang ang naturang video dahil iba iba ang naging anggulo nito.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nag-alala para kay Erin, ginagamit lang ba si Bimby?

“At talagang inedit pa ‘yong ibang portion. Talagang iba-iba ‘yong positioning…ng pag-a-acrobat. Nakakaloka ng taon, e,” dagdag pa niya.

Chika pa niya, nag-imbestiga lang naman daw siya dahil nag-trending si Mark Anthony sa social media.

“Ako inimbestigahan ko lang naman ‘yon. Hindi ko siya in-enjoy. Parang lumabas lang na habang pinapanood ko siya, parang alam mo ‘yon, imbestigador lang ako.”

Matatandaang marami sa mga netizens ang nawindang matapos masaksihan ang sex video ni Mark Anthony kasama ang isang babae dahil kitang kita ang “bird” nito.

Agad itong nag-trending dahil kumpirmadong daks ang aktor na siyang sinabihan ng iba na “sana all”.

Pero bago pa ang pag-viral ng video nito ay nasabihan na ni Ogie si Mark noon sa isang episode niya tungkol sa pagpapakita nito ng kanyang alaga sa isang pelikula.

Read more...