Jhong Hilario divorced na sa British ex-wife Michelle Westgate

Jhong Hilario divorced na sa British ex-wife Michelle Westgate

KUMAKALAT ngayon sa social media ang larawan ng kopya ng court petition na mula kay Jhong Hilario para kilalanin ang kanilang divorce ng British ex-wife na si Michelle Westgate.

Ang court petition ay ibinahagi ng The Philippine Star columnist na si Victor Agustin.

Mababasa sa naturang court petition ang pangalan ni Jhong na Virgilio V. Hilario Jr. at pangalan ng dati nitong asawa.

“Spotted in a dimly-lit nook within Makati City Hall. Actor-councillor Jhong Hilario (finally) seeking legal recognition of his foreign divorce,” saad ni Victor sa caption.

Ibig sabihin ay na-grant na ang divorce niya sa kanyang dating asawa.

Baka Bet Mo: Anak ni Jhong Hilario na si Sarina nag-birthday party sa bahay-ampunan

At dahil hindi pa kinikilala ang ang diborsyo sa Pilipinas kahit dito sila kinasal ay sa England sila nag-file.

Ngayon ay maaari nang mapawalang bisa sa local court ang kasal ni Jhong kay Michelle.

Para sa mga hindi aware, taong 2007 nang aminin ng “It’s Showtime” host sa publiko na iki asal na siya sa isang British national.

Nagkakilala noon sina Jhong at Michelle nang maging bahagi ang aktor ng cast ensemble sa West End’s “Miss Saigon”.

October 2005 nang ikasal silang dalawa ngunit matapos ang halos 6 na taon ay naghiwalay na rin sila boong June 2011.

Hindi sila nagkaroon ng anak.

Samantala, siguradong tuloy tuloy-tuloy na ang saya ni Jhong dahil maaari na rin silang magpakasal ng longtime girlfriend at partner nitong si Maia Azores. Mayroon silang anak na si Sarina.

Read more...