USAP-USAPAN ngayon sa social media ang biglaang pagpapalit ng signage ng Gil Puyat Avenue sa Gil Tulog Avenue.
Marami sa mga netizens ang nag-akalang namalikmata sila sa mga signage na nakikita dahil tila napalitan ang matagal nang pangalan ng lugar.
Agad ngang nag-viral ang kuhang larawan sa social media at umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.
May ilan na nagtatanong kung gimik lang ba ang pagpapalit ng pangalan ng Gil Puyat papuntang Gil Tulog.
Baka Bet Mo: Nancy Binay kay Mariel: May kasamang kapanagutan ang pagiging artista
Kalaunan ay napag-alaman na isa itong gimik para sa advertising campaign.
Ngunit paglilinaw ni Makati City Mayor Abby Binay na hindi dumaan sa kanyang opisina ang request para sa permit ng advertising campaign na ito.
Ayon sa alkalde ng Makati, kung dumaan raw ito sa kanyang tanggapan ay otomatiko niya itong ire-reject.
“Dapat inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter. At dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat,” saad ni Mayor Binay.
Dagdag pa niya, “I have already reprimanded these officials for this glaring oversight.”
Bukod rito, tinanfgal na rin ang naturang signage alinsunod sa utos ni Mayor Binay.
“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan at sa pamilya ni dating Senate President Puyat. These signs have been taken down on my instruction,” sabi pa ng alkalde.