John Estrada naka-confine sa ospital, mga anak nakabantay

John Estrada naka-confine sa ospital, mga anak nakabantay

NAKA-CONFINE ngayon ang aktor na si John Estrada sa ospital.

Sa ibinahaging Instagram story ng anak nitong so Kaila Estrada, makikitang nakahiga amg aktor sa hospital bed habang nakaupo naman sa tabi nito at tila nagbabantay ang anak na si Moira Estrada.

Mapapansin rin na may suwero ang kanang kamay ni John.

Nang i-check naman naming maigi ang larawan ay mapapansin na nakasulat ang
Asian Hospital and Medical Center.

Baka Bet Mo: John Estrada knows na may dyowa si Lorna Tolentino, si Lito Lapid ba?

Wala pa namang inilalabas na detalye ang pamilya ni John kung ano ang naging sanhi ng pagkaka-ospital ng aktor.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-trending ang aktor matapos sagutin ng asawa nitong si Priscilla Meirelles ang comment ng isang netizen kung sino ang kasama nito habang nagbabakasyon sa Boracay.

Agad naman itong napansin ng mga netizens at agad na nag-viral jaya nausisa kung ano ba ang estado ng relasyon ng dalawa.

Kalaunan ay inamin nila na hiwalay na sila ngunit tila may iringan pa ring nagafanap dahil contradicting ang statement nina John at Priscilla.

Sey ni aktor sa kanyang official statement, ““lPriscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.”

Samantalang kinontra ito ni Priscilla at sinabing, “I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement. To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.”

Read more...