Promise ni Matteo kay Sarah: I’ll always be here right beside you

Promise ni Matteo kay Sarah: I'll always be here right beside you

PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang birthday greeting ng aktor na si Matteo Guidicelli sa asawa niyang si Sarah Geronimo.

Nitong Huwebes, July 25, ibinandera ng aktor ang mga larawan ng asawa kalakip ang birthday greeting oara sa Popstar Royalty.

“HAPPY BIRTHDAY my beautiful wife!
Wishing you all the happiness, love, smiles, joy, laughter, and music in the world!” saad ni Matteo.

Nangako rin ang aktor na palaging magiging nasa tabi ng asawa kahit anuman ang mangyari.

Baka Bet Mo: Sarah, Matteo ipinagdasal ang mga nasalanta ng pagbaha sa Dubai

Sey pa ni Matteo, “I’ll always be here right beside you to support you and I’ll be cheering you on as you chase your dreams!

“Continue living with a pure heart and always remember anything is possible! I love you.”

Marami rin naman sa mga kaibigan nina Sarah at Matteo ang nag-comment upang bumati ng maligayang kaarawan sa singer-actress.

“Happy Birthday, Sarah!” sabi ni Carla Abellana.

Pagbati naman ni Judy Ann Santos, “Happy birthday baby girl.”

“Happiest birthday Sarah,” sey naman ni Bianca.

Samantala, marami naman sa mga fans at supporters nito ang humihiling na sana ay muli na nilang mapanood ang singer-actress sa telebisyon lalo na sa big screen,

Matagal na rin kasi buhat nang huling magkaroon ng project si Sarah at ito pa ay ang “Unforgettable” na ipinalabas noong 2021.

Read more...