‘Bridgerton’ season 4 ipinasilip na, sino ang magiging sentro ng kwento?

‘Bridgerton’ season 4 ipinasilip na, sino ang magiging sentro ng kwento?

PHOTO: Courtesy screengrab from Netflix

KALALABAS lang ng latest season ng hit series na “Bridgerton,” pero heto mukhang malapit na ring mapanood ang bagong kabanata nito.

Ayon sa Netflix, ang season 4 ng serye ay sesentro sa kwento ni Benedict Bridgerton na pinagbibidahan ng English actor na si Luke Thompson.

“Next season’s most compelling match will be unmasked. Welcome to the marriage mart, Benedict,” pagbubunyag sa isang video announcement.

Baka Bet Mo: Pinoy actors Martin Sarreal, Jimbo Bradwell pasok sa ‘Bridgerton’ Season 3

Bukod diyan, may social media post din ang streaming platform na inihayag ang excitement sa bagong aabangan sa upcoming season.

“Benedict Bridgerton has been unmasked as next season’s newest suitor. Please scream to celebrate our boy,” caption sa X (dating Twitter).

Kung napanood niyo ang season 3 ng show, matatandaang sinabi roon ni Benedict na hindi pa siya handang mag-settle down dahil nais pa niyang i-explore ang kanyang buhay.

Pero ayon sa synopsis, makakahanap ito ng katapat na siyang magpapa-ibig sa main lead.

Wala pang ibinubunyag kung sino ito, pero siya raw ay isang “mysterious lady in silver” na makikilala sa gaganapin na masquerade ball.

“The fourth season of Bridgerton turns its focus to bohemian second son Benedict (Luke Thompson). Despite his elder and younger brothers both being happily married, Benedict is loath to settle down—until he meets a captivating Lady in Silver at his mother’s masquerade ball,” kwento ng Netflix.

Ang serye ay base sa original novel ni Julia Quinn na pinamagatang “An Offer From A Gentleman.”

Samantala, ang first season ng show ay tungkol sa love story nina Daphne Bridgerton (Phoebe Dynevor) at Simon Basset (Regé-Jean Page).

Ang sumunod ay nag-focus sa pag-iibigan nina Anthony Bridgerton (Jonathan Bailey) at Kate Sharma (Simone Ashley), habang ang huli na recently lang ni-release ay umikot sa kwento nina

Colin Bridgerton (Luke Newton) at Penelope Featherington (Nicola Coughlan) na matagal nang magkaibigan bago magkatuluyan.

Read more...