Dianne, Rodjun ibinandera 2nd baby: ‘Thank you, Lord…no complications!’

Dianne, Rodjun ibinandera 2nd baby: ‘Thank you, Lord…no complications!’

PHOTO: Instagram/@rodjuncruz

MASAYANG ibinandera ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bagong blessing sa kanilang pamilya.

Ito ‘yung pagsilang sa second baby nila na si Maria Isabella Elizabeth Medina Ilustre.

Sa Instagram, proud na ipinasilip ni Dianne ang itsura ng bagong miyembro ng kanilang pamilya at inilarawan ito bilang “answered prayer.”

Lubos rin ang pasasalamat ng aktres dahil sa kabila ng kanyang komplikasyon sa pagbubuntis ay naging ligtas ang kanyang pagpapanganak.

“Thank you, Lord for everything! I had the [following] during my pregnancy: Gestational Hypertension, Gestational Diabetes, Cardiac Arrythmia, Polyhydramnios,” caption niya.

Baka Bet Mo: Dianne muling nag-react sa ‘pool’ issue: Bilang nanay, lalaban talaga ako!

Wika pa niya, “Thank you, Lord. No complications or anything! All Glory and Honor is yours, Almighty Father.”

“Thank you for answering my prayers! Salamat rin po sa mga nagdasal,” lahad pa ni Dianne.

Mensahe pa niya, “Thank you to my super bait, maalaga and magagaling na doctors. Thank you Lord.”

Para naman kay Rodjun, “best gift” na ibinigay sa kanila ng Diyos ang ikalawang anak nila ni Dianne.

Inihayag din ng aktor ang kanyang pagkabilib sa misis, “So proud of you, wife! Ang tapang mo.”

“Sa nasaksihan ko kanina mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo. Saludo ako sayo! I love so much,” sey pa niya.

 

 

Sa comment section, maraming fellow celebrities ang nagpaabot ng “well wishes” at “congratulatory” messages sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Carla Abellana, Coney Reyes, Arron Villaflor, Jak Roberto, Mark Herras, Rocco Nacino, Maxine Medina, Kris Bernal, Charee Pineda, Yasmien Kurdi, at Jo Berry.

Magugunita nitong Marso lamang nang ibinalita nina Dianne at Rodjun na magkaka-baby ulit sila.

Taong 2019 namang ikinasal ang couple at makalipas ang siyam na buwan ay isinilang ni Dianne ang first baby nila na si Joaquin.

Read more...