Boss Toyo kinuwestiyon sa Sona: Masyado kayong nanghahamak ng tao

Boss Toyo kinuwestiyon sa Sona: Masyado kayong nanghahamak ng tao

Pangulong Bongbong Marcos at Boss Toyo

KINUWESTIYON ng netizens ang pagdalo ng content creator na si Boss Toyo sa naganap na State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon, July 22.

Nagtataka ang madlang pipol kung bakit um-attend si Boss Toyo o Jayson Luzadas sa tunay na buhay, sa ikatlong Sona ni PBBM na isinagawa sa Batasang Pambansa.

Ano raw ang ginagawa ng isang tulad niya sa naturang event? Tatakbo raw ba siya sa susunod na eleksyon? May bibilhin ba siya habang ginaganap ang Sona? O, baka naman daw malakas talaga ang konek niya sa ilang politiko.

Baka Bet Mo: Boss Toyo wish mabili ang Lastikman costume ni Vic; nagsisi kay Daniel

Sa kanyang Facebook post, sinagot ni Boss Toyo ang mga bashers at sinabing  hindi naman daw bawal sa Sona ang mga taong “mababa ang antas sa lipunan” na tulad niya.


Makikita sa FB page ng vlogger at negosyante ang kanyang litrato na kuha sa loob ng Batasang Pambansa suot ang Barong Tagalog na gawa raw ng isang  Filipino designer.

Aniya sa caption, “Nagtataka ako bakit me mga taong nagkikuwestiyon bakit ako nasa SONA. Bakit bawal po ba ang isang content creator dito?

“Bawal po ba ang isang tulad ko dito? Bawal ba dahil hindi ako politiko? Bawal ba dahil ‘di mataas ang antas ko sa lipunan?” ang pahayag pa ni Boss Toyo.

Dagdag pa niya, “Masyado kayong nanghahamak ng tao. Gusto ko marinig kung ano ang sasabihin dahil isa akong Pilipino at me paki ako sa bayan ko.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Kaladkaren, Karla Estrada, Isabelle Daza ‘spotted’ sa ika-2 SONA ni PBBM

“Wala ako nakikitang masama kung andito ako or kahit sinong tao andito. Pilipino ako at me paki ako sa bayan ko,” sabi pa ng content creator na siyang nasa likod ng “Pinoy Pawnstars”.


Mapapanood ito sa kanyang YouTube channel kung saan makikita ang pagbebenta sa kanya ng mga gamit o memorabilia ng sikat na celebrities.

Ilan sa mga artistang nagbenta na sa kanya ng kanilang memorabilia ay sina Diana Zubiri, Niño Muhlach at Jiro Manio.

Sa naganap na Sona kahapon, umani ng malakas na palakpakan ang deklarasyon ni Pangulong Marcos na bawal na ang mga offshore gaming operations sa Pilipinas.

Nanindigan din si PBBM na ang pinag-aagawan at kontrobersiyal na West Philippine Sea ay pag-aari ng mga Filipino sa gitna na rin ng mga ginagawang panghaharas ng China.

Read more...