Herlene basag sa bashers, sinadya raw madapa, mahulog sa GMA Gala

Herlene basag sa bashers, sinadya raw madapa, mahulog sa GMA Gala

Herlene Budol

MARAMI ang nagsasabi na sinadya raw ni Herlene Budol ang madapa at mahulog sa stage habang rumarampa sa stage ng GMA Gala 2024.

Gusto lang daw magpapampam o mang-agaw ng atensiyon ang Kapuso actress-beauty queen kaya nito naisipang magpatihulog sa stage.

Pero siyempre, may mga nagtanggol din kay Herlene at nakipagbardagulan sa mga haters at bashers ng Kapuso comedienne sa social media.

Baka Bet Mo: 17 patay, 11 nasaktan matapos mahulog sa bangin ang bus sa Antique

Nagsalita na si Herlene tungkol sa kinasangkutang aksidente ng event ng GMA 7 at sinabihan pa ang mga netizens na hindi dapat pinagtatawanan ang pagkahulog niya sa stage.

Sa kanyang X account, ni-repost ni Herlene ang video ng kanyang pagkakadapa na may caption na, “Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka.


“Hangga’t may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa pamilya #GMAGala2024,” sabi ng aktres.

Sa isa pa niyang post, sinabi pa niyang, “’Pag nadapa, hindi dapat pinagtatawanan. Accident always happens!

“Sa palagay n’yo ba gusto ko madapa? Lahat ng tao nadadapa, naaaksidente, ang importante safe at ‘di nasugatan,” aniya pa.

Ayon kay Herlene, ang gown na isinuot niya sa GMA Gala 2024 ay gawa ni Leo Almodal na may pangalang “Birth of Venus.”

Baka Bet Mo: #Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023

“’Birth of Venus’ is a @leoalmodal Couture Masterpiece inspired by a painting by the Italian artist Sandro Botticelli in the 1480s. It depicts the goddess Venus arriving at the shore after her birth when she had emerged from the sea fully grown,” ayon sa Instagram post ni Herlene.

Narito ang mga reaksyon ng mga netizens sa official Facebook account ng BANDERA.

“Kowpo pwede naman mangyari para may mapagusapan.”

“So naisugod ba sya sa malayong hospital.. Life update pa tay naba sya.”

“Ganon talaga the show must go on kaya nga Beauty Queen yan e push lang professional ramp models nga nagkakaganyan din.”


“Kung gustong mapansin at pag usapan, need tlga madapa.”

“Syempre dapat may pa andar para mag trending.”

“Grabe nman makapanghosga ung iba, parang d tao, sa inyo kaya mangyare,wag kayong ganyan sa kapwa nio, buti pa ung hinuhosgahan nio,naging beauty queen, eh,kayo anong narating nio,walang perpekto sa mundo.”

“Lagi na lng yan na huhulog ano bayan walanh isip himdi tinitingnan ang dinadaanan.”

“Ang OA naman ni Miss Budol. Hindi naman sya na katingala sa itaas bakit sya nadapa.”

“Ngpapansin LNG Yan Kita Kita SA video sinadya niya.”

“Sus kala mo.kasi nasa pageant maglakad  bkit ganun Ang bagsak nya  kala mo pa dive hehe.”

“Pinagpraktisan niya talaga ang pagdapa na yan para nga nman pagUsapan siya, mabuti nga at di pa yan kumain ng buhay na manok para lalo siyang mapansin.”

“Bakit daming galit ke Herlene? Inaano ba cla.gusto lang naman umunlad ng tao nagsikap para makatulong sa pamilya.maiahon sa kahirapan. Kainggit nga xa mapagmahal sa pamilya.”

Read more...