AGAW-EKSENA ang Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol sa naganap na GMA Gala 2024 kagabi, July 20.
Aksidenteng nahulog sa stage ang komedyante habang inirarampa ang suot niyang “Birth of Venus” masterpiece na gawa ni Leo Almodal na ibinase sa painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli.
Sa kumalat na video sa social media, makikita ang Kapuso star na naglalakad sa stage at ibinabandera ang suot niyang gown na halos kita na ang kanyang hubad na katawan.
Ngunit mukhang nagkamali ng apak si Herlene sa isang bahagi ng stage kaya siya nahulog. Agad namang sumaklolo ang mga taong nasa harapan niya base sa isa pang video na napanood namin.
Kasunod nito, tila sinabi ng dalaga sa mga lumapit sa kanya na okay lang siya matapos ang aksidente at saka bumalik sa stage para rumampa uli.
Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens sa nangyari kay Herlene pero mas marami kaming nabasa na nagsabing sinadya niya ang pagkahulog para mang-agaw ng eksena sa event.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa mga nakapanood sa video.
“Idk (I don’t know) why, di na ako nakaka-feel ng 2nd hand embarrassment sa kanya. Siguro naubos na nung nag-dog show sya sa pageant, and other kagagahan.”
“Same here! I have a feeling na sinadya niya din yan so people would talk about her. Impossible they didn’t rehearse that walk. Kahit na they didn’t rehearse you would think na she’s aware enough na may landing don. Or baka boba lang talaga.”
“Half of me medyo naawa, the rest natawa. PERO I was reminded na she joined a national pageant and wore high heels so dapat kabisado nya paano ang pasarela or at least how to walk in high heels.”
“Nakakaproud si Herlene after that unexpected accident. She quickly redeemed herself. What I like about this footage is yung grabeng support ng co sparkle artists niya para palakasin loob niya. Just look how @dealwithBARBIE keep cheering for her. That’s our girl rt!”
“Ay naku, sa action nya plqng obvious na parang sinadya… ahhahaha.”
“Isa pang tanga mabigat yung gown nya sa bandang baba nahirapan sya ilakad. engot.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala lang inilalabas na opisyal na pahayag si Herlene tungkol sa kinasangkutang aksidente.