Netizens pinagpiyestahan ang viral EDSA-Philam busway ramp, memes viral na

Netizens pinagpiyestahan ang viral EDSA-Philam busway ramp, memes viral na

PHOTOS: Screengrab from Facebook posts

MATAPOS batikusin at punahin, nagkalat naman sa social media ang ilang “memes” ng viral wheelchair ramp sa EDSA-Philam busway station.

Narito ang ilan sa mga Facebook post na talaga namang nag-trending dahil sa makulit at kwelang humor ng mga Pinoy.

Unang-una na riyan ‘yung edited photo ni Edgar Torres Jr. na ginawang water slide ang footbridge.

Ang peg niya riyan, from EDSA to Barangay Turbina ng Laguna real quick.

“Slide from EDSA, bagsak mo Turbina [emojis],” caption niya.

Baka Bet Mo: #LOL: Kwelang ‘memes’ ng viral photo ng PCSO nagsulputan sa socmed

May pahabol post pa siya riyan na makikitang tumilapon sa kalsada ang mga nag-slide at sinabing: “Goodluck lang talaga sa dulo.”

PHOTO: Screengrab from Facebook/Edgar Torres Jr.

May ibinandera rin ang socmed user na si Davidjhon Role Gusi na inilagay ang kanyang picture na nakasuot ng pangtakbo at pabirong sinabi na maganda raw itong isama sa training.

“Dito pala sa PWD ramp sa EDSA Busway PHILAM, Quezon City maganda mag Uphill Repeats Training eh [laughing emoji],” sey niya sa FB post.

May entry rin ang Kick n Run Ph page na kwelang ibinulgar ang “secret training” daw ng Argentine football players.

“Kaya pala ang lalakas ng tuhod ng World Champs [Argentinian flag emoji] secret training [at] Edsa Busway Ramp,” lahad sa post.

May entry rin ang FB page na Go for Gold Cycling Team kung saan inihayag na: “Puro kayo negative! Why don’t you try seeing the positive? Ensayo na! [bicycle, peace sign emojis],” kalakip ang hashtags na “matarik,” “stringer cyclist,” at “EDSA busway ramp.”

Kamakailan lang, nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa viral photo ng nasabing wheelchair ramp sa Quezon City.

“Mayroong  height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge,” esplika ng ahensya.

Patuloy pa, “Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan.”

Tiniyak din nila na magtatalaga sila ng ilang kawani ng MMDA upang mag-assist sa mga PWD na mahihirapan sa pag-akyat ng rampa.

“Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran,” wika pa sa social media post.

Anila, “Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station.”

Read more...