Bimby botong-boto nga ba sa dyowang doktor ni Kris Aquino?

Bimby botong-boto nga ba sa dyowang doktor ni Kris Aquino?

PHOTO: Instagram/@krisaquino

KASUNDO at boto nga ba si Bimby sa bagong pag-ibig ng kanyang ina na si Kris Aquino?

Magugunitang inamin ng Queen of All Media sa kanyang panayam with Ogie Diaz recently na may bago nang nagpapasaya ng kanyang puso sa gitna ng pinagdadaanang health problems.

Pagbubunyag pa ni Kris, ang inspirasyon niya ngayon ay isang doktor na nandito sa Pilipinas.

Kwento pa niya, ito ang magbibigay ng assurance na magiging okay siya pagbalik niya ng ating bansa.

Kamakailan lang, nakausap ng The Philippine Star ang bunsong anak ng TV host at dito niya chinika ang tungkol sa bagong dyowa ng Queen of All Media.

Baka Bet Mo: Kris uuwi na ng Pilipinas sa September: ‘She’s coming home for good’

“Yes, she has a boyfriend and they are very happy. And he’s really a good guy,” paglalarawan ni Bimby.

Sinabi rin niya na ilang buwan nang nagde-date ang kanyang ina at ang bagong boyfriend nito.

“He was even my roommate for two weeks in a hotel when he visited Mama recently. It was at that time that I really got to know him and he’s really a good guy talaga,” chika ni Bimby sa panayam.

Kung matatandaan, ang huling naging karelasyon ni Kris ay si Batangas Vice Governor Mark Leviste at inamin na isa sa dahilan kung bakit naghiwalay sila ay dahil hindi raw boto ang anak niyang si Bimby sa kanilang relasyon.

Ipinagdiinan din ng ina ni Josh at Bimb sa isang interview na hindi na siya makikipagbalikan kay Leviste.

“Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at Vice Gov. Mark). It matters to me because he (Bimb) knows me best. Siya at si kuya (Josh), ‘yung opinion nila it really matters,” sey ni Kris.

Dagdag pa niya, “Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa akin kasi they’re always there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure.”

Kwento pa niya, “Nagsabi si Bimb, ‘mama, I don’t think you really love him, I think you’re just sad’ at tumatak ‘yun sa utak ko, and yeah it’s true.”

Ayon pa kay Kris, nagkakalabuan na sina ng vice governor noong November 202 at sinusubukan naman nilang ayusin pero hindi na nangyari. 

At bago pa pala magdiwang ng kaarawan si Kris noong Pebrero ay totally hiwalay na sila.

Read more...