SB19 Justin bida sa MV ng bagong solo track, hirit ng fans: ‘Sakit uyyy!’

SB19 Justin bida sa MV ng bagong solo track, hirit ng fans: ‘Sakit uyyy!’

PHOTO: Courtesy of Sony Music

MARAMING fans ang kinilig, nasaktan at naka-relate sa bagong solo track na inilabas ni Justin, isa sa miyembro ng P-Pop kings na SB19.

Ito ang “kaibigan” na tungkol sa bigong pag-ibig at hindi pagpapahayag ng tunay na damdamin sa isang kaibigan.

“To be honest, there’s no actual or specific inspiration behind the song,” sey ni Justin sa inilabas na pahayag ng Sony Music.

Paliwanag niya, “I wrote this tune from the perspective of an observer and wanderer: a person who enjoys movies with coming-of-age slant.”

Nabanggit din ng P-Pop solo act star ang mahusay na collaboration niya kasama ang Pinoy production duo na Radkidz na binubuo ni SB19 Pablo at kapatid nito na si Josue.

Para sa mga hindi aware, dati nang nakatrabaho ni Justin ang duo sa naunang solo tracks niya na “surreal” at “sunday morning.”

Baka Bet Mo: SB19 bumandera uli sa ‘The First Take’, ‘MAPA’ performance trending

“Similar to surreal, I let them hear my demo in its ukulele version,” kwento niya.

Patuloy niya, “At first, it was more of a solemn and calm song, but as we navigated deeper through the collaboration and explored the material and its story, we came up with something that ripped out the emotional layers in the latter part.”

Bukod diyan, total package din talaga ang ibinandera ni Justin dito sa bago niyang hugot song. 

Bukod sa pagdi-direk, siya rin ang bumida sa music video ng “kaibigan” kasama ang theater actress na si Nicole Omillio at RJ Cruz ng bandang The Juans.

Ayon pa sa Pinoy pop star, siya mismo ang nag-conceptualize ng magiging storya ng MV.

Chika niya, “To be honest, the music video is very easy to digest. And that’s what I want: for people to relate to it and feel the story of the music and the music video.”

Sa comment section, maraming netizens at fans ang talaga namang nasaktan at relate na relate sa kanilang napanood.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Sino naiyak at naka-relate… Sakit uyyy!!! [crying face emojis]”

“Just because you’re always there for someone doesn’t mean he/she will fall in love with you when he/she is ready. Meron talagang kapag sinabing KAIBIGAN hanggang doon lang talaga.”

“Luuhhh ‘di ako sanay na umaawra si [Justin] ng ganito..nakakaiyak..pero tiyak marami naka-relate dito..Jah ang galing galing mo!”

“‘Yung ang dami kong gagawin tapos napatigil ako dahil dito..sakit…Wag kang mag-alala Jah walang forever. Maghihiwalay din yan. Haha…Nasa A’tin ang Forever.”

Ang “kaibigan” ni Justin ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment, habang ang music video nito ay mapapanood na sa YouTube!

Read more...