MATAGAL nang walang ugnayan ang dating celebrity couple na sina Iñigo Pascual at Maris Racal.
Pero aminado ang aktor na nananatili siyang updated sa ilang mga ganap ng aktres, at kabilang na nga riyan ‘yung recent breakup ni Maris kay Rico Blanco.
“I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough,” sey ni Iñigo sa ulat ng ABS-CBN News.
Sambit pa niya, “But I see it in a good light. She’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her.”
Kasunod niyan ay inihayag niya ang kanyang suporta para kay Maris na i-priority muna ngayon ang self-love.
“I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. Hindi madali ‘yun,” saad ng aktor.
Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?
“It’s not the ideal move for me, but when you learn about yourself, it’s a big step,” ani pa ni Iñigo.
Kung matatandaan, taong 2018 pa nag-break sina Maris at Iñigo, at huli silang nagsama sa pelikulang “I’m Ellenya L.” noong 2019.
Samantala, taong 2021 naman nang kumpirmahin ng young actress ang real score nila ni Rico makalipas ang dalawang taon nang mag-collaborate sila sa isang single.
Noong Biyernes, July 12, inanunsyo ni Maris sa isang press conference na naghiwalay na sila ni Rico.
Bagamat hindi na inilahad ni Maris ang naging dahilan, inamin niya na ang mga nakalipas na linggo ang “loneliest and emptiest weeks” ng kanyang buhay.
Sa kabila ng pangyayari ay nakiusap ang dalaga na sana ay huwag i-bash ang dating karelasyon.
“Hindi naman mako-control yung mga opinyon ng tao, but please don’t direct your hate towards Rico because he’s too precious for that. If you guys are ready to throw some punches, I’m willing to take them,” pakiusap ni Maris.
Nilinaw rin ng dalaga na walang kinalaman ang kanyang current ka-love team na si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay.