John kay Lorna: Ang pag-ibig ba kayang ipaglaban kahit mali?

Tanong ni John kay Lorna: Ang pag-ibig ba kayang ipaglaban kahit mali?

Therese Arceo - July 18, 2024 - 12:06 AM

Tanong ni John kay Lorna: Ang pag-ibig ba kayang ipaglaban kahit mali?

KASABAY ng kinakaharap na pagsubok sa kanyang relasyon sa asawang si Priscilla Meirelles, patuloy pa rin ang pag-trending ng Kapamilya actor na si John Estrada.

Sa katunayan, naging usap-usapan ang kanyang panayam sa kapwa aktres na si Lorna Tolentino na mapapanood sa YouTube channel ng Kapamilya actor.

Sa naturang interview na ay nagkachilahan ang dalawa tungkol sa pag-ibig.

Baka Bet Mo: John barag na naman kay Priscilla, hindi totoong may mutual agreement

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Gusto kong matutunan galing sa isang napakatalino, napakabait at napaka-maka-Diyos na tao, ang pag-ibig ba, kayang ipaglaban kahit mali? Puwede bang ipaglaban?” diretsang tanong ni John.

Sagot ni Lorna, “Kapag may mali, ipagdasal mo na sana tumama.”

Nagustuhan naman ni John ang naging sagot ni Lorna.

Pabirong hirit nito, dapat raw bang ipagdasal ang pag-ibig na mali para maging tama?

“So, ang pagmamahal kahit mali, ipagdasal mo para kung anuman magiging tama siya? Ang ganda nun, ha? Kulang siguro ako sa dasal,” biro ng aktor.

May mga netizens naman na napataas ang kilay dahil sa sinabi ni John.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aware naman ang lahat sa kontrobersyang kinakaharap ngayon ng Kapamilya actor sa kanyang asawa.

Nitong Miyerkules, July 17, maraming netizens ang nawindang dahil sa contradicting statements na inilabas nina John at Priscilla.

Ayon kasi sa aktor ay mutual ang naging desisyon nila ngunit sabi naman ng dating beauty queen ay wala itong katotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending