John barag na naman kay Priscilla, hindi totoong may mutual agreement

John barag na naman kay Priscilla, hindi totoong may mutual agreement

John Estrada at Priscilla Meirelles

MARIING itinanggi ni John Estrada ang sinabi ng asawang si Priscilla Meirelles na ang kasama niyang nagbakasyon sa Boracay ay isang nagngangalang Lily Hallman.

Nag-post kasi ang aktor ng mga larawan niyang nasa tabi siya ng pool at pinasasalamatan ang resort kung saan siya naka-check in at dahil dito ay tinanong ng netizens kung sino ang kasama ni John, kung si Lena (Mercedes Cabral) na kabit niya o si Marites (Cherry Pie Picache) na asawa niya.

Ang mga pangalang nabanggit ay mga karakter sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagsama ni Rigor (John) sa iisang bubong.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez nagkakasakit na sa paglagare bilang artista at public servant: Pero hindi po ako nagrereklamo dahil worth it naman

Samantala, nag-Facebook live si Priscilla at inaming nasa Brazil siya para mag-isip-isip ng mga plano sa future ng anak, future ng ex-beauty queen at ng pamilya niya.


Sa Agosto na babalik ng bansa si Priscilla dahil gusto nitong makasama ang pamilya niya sa Brazil lalo’t may pinagdadaanan siya.

Sinagot ni John ang FB live ng asawa at sinabing nagkasundo raw silang dalawa na mag-“take a break.”

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter.

“I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather.

“This is a private  matter that’s why I ask for privacy as we deal this. Thank you!”

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘minalas’, pinagbenta raw ng ticket ang guest band sa grand opening ng negosyo

Pero kaagad itong itinanggi ni Priscilla, wala raw silang usapan ni John, “I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement.”

Pagpapatuloy ni Priscilla, “To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.

“While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those maybe, however, it won’t change the course of faith,” aniya.


At para sa mga nagpakita ng suporta kay Priscilla ay labis niyang ipinagpapasalamat ang mga ito.

“I appreciate your constant support kindness, and love during this difficult time.  I trust that in due course, all will be resolved appropriately. Thank you for your understanding,” sabi ng Brazilian wife ni John.

Anyway, sabi ni John ay family matters ito at humihingi siya ng privacy habang inaayos nila ni Priscilla, e, sana hindi na lang siya sumagot in public para hindi nalalaman ng lahat ang nangyayari sa kanila.

O kaya, sana’y tinawagan na lang ni John si Priscilla para sabihang ‘wag na silang magsagutan sa social media para wala nang nasisilip ang publiko.

Read more...