Enchong humuhugot kay Kobe Bryant, tinitingala sina Piolo at Jericho

Enchong humuhugot kay Kobe Bryant, tinitingala sina Piolo at Jericho

Enchong Dee, Piolo Pascual at Kobe Bryant

MAS lalo pang sinipag at na-inspire si Enchong Dee na gumawa ng mga makabuluhang proyekto matapos manalong Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS o Entertainment Editors Choice 2024.

Itinuturing niyang isa sa biggest blessing sa buhay niya ang natanggap na parangal mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa The EDDYS.

Sa loob ng 18 years niya sa entertainment industry, napakarami na niyang natutunan bilang artista at bilang tao. Na-realize raw niya ngayon na totoong mahal na mahal niya ang kanyang craft.

Baka Bet Mo: Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’

“After the 10th year (in showbiz), which I was 26/27, du’n ko kasi naramdaman na may bago nang younger batch na iniinvestan yung company.


“Which is a natural cycle, tatanda at tatanda ka sa industriya. I need to be able to create my own opportunities,” sabi ni Enchong na hindi lamang artista ngayon kundi isa na ring singer.

Isa sa mga pinanghahawakan niya ngayong guiding principle ay ang payo ng kanyang tatay, “Ang advice sa akin ni Papa, ‘Kailangan maging team player ka.

“Kailangan mo maging makatao kasi yung mga taong nakasalubong mo paakyat, kapag bumagsak ka, yun ulit yung mag aakyat sa ‘yo.’

“Hindi ka pwede maging mayabang, try not to be boastful about it because ang daming uncertainty,” pag-alala pa ni Enchong.

Marami rin daw siyang natutunan sa mga pambabatikos ng bashers, “I always take criticisms as a grain of salt. If there’s a chance for me to improve myself so that I can be a better person in the future, I will grab it.

“I want to be able to inspire the younger star magic artists, or younger generations of artists na kung ano yung dapat na ugali kapag nandito sa trabaho.

Baka Bet Mo: Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

“Kasi, ako nu’ng nagsimula ako, nandiyan yung Piolo Pascual, nandiyan yung Jericho Rosales, na kapag tinitingala mo, sana nandu’n din ako.


“Gusto ko gampanan din yung role na okay, I may not be a role model but you can always approach me if there’s anything you want to improve on yourself,” sabi pa ng binata.

Nabanggit din niya na humuhugot din siya ng inspirasyon mula sa basketball legend na si Kobe Bryant, “Winning is great, but you have to wake up and start all over again.

“It’s the same with losing. So it’s the same thing, yung panalo kahapon, hindi ibig sabihin panalo ngayon, so I just have to keep working,” sabi pa niya about Kobe.

Read more...