SINIGURO ng kambal na sina Atasha at Andres Muhlach na kailanman ay hindi naging stage parents sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.
Pareho na kasing nag-aartista ngayon ang celebrity twins at mabibinyagan nga sila sa kauna-unahan nilang acting project, ang family comedy series na “Da Pers Family”.
Mapapanood na ito tuwing Linggo, simula sa July 21, 7 p.m. sa TV5 kung saan makakasama rin nila ang kanilang parents na sina Aga at Charlene.
Baka Bet Mo: Kambal na anak nina Aga at Charlene normal ang naging buhay noong bata, nakaranas ng iba’t ibang laro sa probinsya
Sabi ni Andres nang matanong kung nakikialam ba sa mga diskarte nila sa buhay at career ang kanilang mga magulang, “Para sa amin, our parents, we don’t see them as stage parents necessarily.
“We just see them talaga as, you know, our parents, the people we spend our time with, our loved ones we see everyday, the ones that we miss, you know, our home.
“And so, hindi naman sila, ano ‘to, stage parents. But we just see them talaga as our loved ones, the ones we look up to, appreciate and siyempre naman, idolize,” pahayag pa ng binata.
Sey naman kay Tash, never nakialam o umepal sina Aga at Charlene sa kanilang mga decisions in life pero aniya, nandiyan lamang ang mga ito i-guide sila.
“It’s never about the work, it’s always about your morals, what kind of person you are.
Baka Bet Mo: Aga Muhlach, pamilya nakipagsanib-pwersa na sa TV5 at Viva Artists Agency
“So I wouldn’t say stage parents but just actual, true-to-life, very responsible and very kind,” pahayag ng “Eat Bulaga” Dabarkads.
Samantala, mula sa Studio Viva at MQuest, ang kuwento ng “Da Pers Family” ay iikot sa nakakaaliw na kwento ng Persival family na may bakery na tinawag nilang The Bake Haus of You.
Magsisimula ang problema ng pamilya dahil sa kagagawan ng dating BFF ni Aga (ginagampanan ni Roderick Paulate).
Susubukan nitong pabagsakin ang negosyo ng pamilya Persival. Dito lalabas ang tatag ng pamilya sa pakikipaglaban na mailigtas ang minahal na bakery business.
Siguradong halu-halong emosyon ng lungkot at katatawanan ang hatid ng Da Pers Family lalo pa nga’t kasama rin sa cast ang ilang OG co-stars ni Aga sa now-defunct sitcoms na “Oki Doki Dok” at “Okay, Fine Whatever” na sina Roderick at Bayani Agbayani.
Magsisilbi rin itong reunion nina Aga, Charlene, Bayani at Roderick sa “Oki Doki Dok” director na si Direk Danni Caparas.
Makakasama rin sa cast ng “Da Pers Family” sina Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloso at marami pang iba.
Abangan ang “Da Pers Family” tuwing Linggo, simula July 21, 7:15 p.m., sa TV5.