BINI excited na, sila ang 1st P-Pop group na magpe-perform sa KCON

BINI excited na, sila ang 1st P-Pop group na magpe-perform sa KCON

PHOTO: Instagram/@bini_ph

TALAGA namang hindi pakakabog sa kasikatan ang nation’s P-Pop girl group na BINI!

Matapos umani ng milyong-milyong views ang latest music video nila na “Cherry On Top,” gagawa naman sila ng kasaysayan.

Dahil sila ang kauna-unahang Pinoy pop group na magpe-perform sa KCON!

Sila ay mapapanood sa pre-show ng “M Countdown” na gaganapin sa Los Angeles sa darating na July 27.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng official X (dating Twitter) page ng nasabing event.

“Special lineup: BINI. Jul 27 (Sat) MCountdown Preshow. Artist lineup and the event schedule may be subject to change or cancel under certain circumstances,” lahad sa post.

Baka Bet Mo: Direk Lauren sa panawagang magdemanda ang BINI: Kalma lang po

Mukhang super excited naman ang grupo kung saan inihayag nina BINI Maloi at Sheena ang kanilang reaksyon, habang ni-repost naman ng ibang miyembro ang announcement ng kanilang performance.

As of this writing, wala pang impormasyon kung ano ang magiging song lineup ng girl group.

Para sa kaalaman ng marami, ang KCON ang isa sa pinakamalaking K-Pop festivals na inorganisa ng Korean production and distribution company na CJ E&M.

Ang layunin ng event ay palawakin ang impluwensya ng umuunald na industriya sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Para sa taong ito, ang KCON ay mangyayari sa Los Angeles sa US, kasama na rin ang Germany at Saudi Arabia.

Nauna na itong ginanap sa Hong Kong at Japan.

Bukod sa BINI, ilan pa sa mga magtatanghal sa event ay ang Enhypen, NCT 127, Taemin ng SHINEE, Hyolyn, at marami pang iba.

Read more...