‘Beverly Hills 90210’ star Shannen Doherty pumanaw na sa edad 53

'Beverly Hills 90210' star Shannen Doherty pumanaw na sa edad 53

PUMANAW na ang Hollywood actress at “Beverly Hills 90210″ star na si Shannen Doherty. Siya ay 53 years old.

Ilang taon ding nakipaglaban si Shannen sa sakit na cancer hanggang sa mamaalam na nitong nagdaang Sabado, July 13.

Kinumpirma ng kanyang publicist na si Leslie Sloane ang malungkot na balita sa pamamagitan ng maikling statement na ipinadala sa People magazine.

“It is with a heavy heart that I confirm the passing of actress Shannen Doherty. On Saturday, July 13, she lost her battle with cancer after many years of fighting the disease,” pahayag ni Sloane.

Kung matatandaan, taong 2015 nang ibahagi ni Shannen sa publiko ang pakikipaglaban niya sa breast cancer. Last year, napaulat na may tumor na tinanggal sa kanyang utak, at kumalat na ang cancer sa kanyang buto.

Baka Bet Mo: Manny Castañeda pumanaw na; Joey Reyes wasak ang puso

Sumikat nang husto si Shannen noong dekada 90 nang bumida sa American TV series na “Beverly Hills 90210” bilang si Brenda kung saan nakasama rin niya sina Luke Perry (bilang Dylan McKay) at Jennie Garth (bilang Kelly Taylor).

Bukod sa “90210,” napanood din ang yumaong Hollywood star sa hit supernatural TV series noong 1998 na “Charmed” kung saan gumanap siya bilang si Prue Halliwell.

Ipinanganak si Shannen sa Memphis, Tennessee, noong April 12, 1971, at nagsimula sa mundo ng showbiz sa murang edad. Una siyang napanood sa final season ng TV classic na “Little House on the Prairie” sa edad na 11.

Tatlong beses siyang ikinasal, na ang pinakahuli ay sa photographer na si Kurt Iswarienko pero nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2023.

Read more...