Tanya Montenegro head chef sa sariling resto; Jake may secret admirer

Tanya Montenegro head chef sa sariling resto; Jake my secret admirer

IBABANDERA ni Karen Davila ang kwento ng tagumpay ng sikat na ’80s star noon na si Tanya Montenegro na isa na ngayong certified negosyante sa “My Puhunan: Kay Mo” ngayong hapon, July 14.

Nagmamay-ari na rin si Tanya ng kilalang Spanish fusion restaurant sa Parañaque na pak na pak sa mga mahihilig lumafang ng masasarap na putahe.

Kinilala si Tanya bilang isa sa rising stars noong dekada 80, kung saan naging parte siya ng youth-oriented musical film na “Campus Beat” na pinagbidahan ni Aga Muhlach.

Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, mas pinili niyang ituon ang kanyang atensyon sa kanyang hilig sa pagluto na naging susi niya sa pag-asenso.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Ngayon, isa na siyang head chef at nakapagbukas ng sarili niyang resto na Cocina Estefania—hatid ang iba’t ibang Spanish dishes na swak sa panlasang Pinoy, tulad ng kanyang mga bersyon ng callos, paella, lengua, at iba pa, pati fusion twist sa Filipino favorites.

Samantala, papasyal naman si Migs Bustos sa Ilocos Sur para itampok ang kauna-unahang solar-powered farmer’s market sa bansa, ang Narvacan Farmer’s Market na matatagpuan sa munisipyo ng Narvacan.

Bukod sa mga produktong proudly Ilocano, inobasyon kung maituturing ang mga naka-install nitong 100 solar panels bilang source ng kuryente para sa buong pamilihan at nakatitipid pa sa konsumo ng mga manininda.

Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen at Migs sa bago nitong timeslot tuwing Linggo, 4 p.m. bago ang “Goin’ Bulilit” sa iba’t ibang Kapamilya channel at platforms.

* * *

How true? Nakakaloka! May babaeng na-kidnap at si Shaina daw ang mastermind? Bakit siya ang suspek?

Siyempre hindi papayag si David Chua kaya super imbestiga ito kung certified kidnapper nga itong si Shaina! Uuuyyy… concerned!?

At parang nag-enjoy si Jake Cuenca sa Goodwill at nag-super extend ito sa resort! But wait, parang may secret admirer yata itong si Jake — dahil non-stop ang pagdating ng mga regalo para sa kanya.

To the rescue na parang detective naman itong si Meg Imperial para malaman kung sino ang secret admirer ni Jake!

Pagulo nang pagulo, at pasaya nang pasaya ang buong “Goodwill Tropa” kaya tutok na this Sunday, kasama ang #BarkadangMinahalNiyoNa, July 14, sa Goodwill on NET25, 5 p.m. right before “Korina Interviews.”

Read more...