Mercedes Cabral enjoy na enjoy ang kontrabida roles: Ang saya pala

Mercedes Cabral enjoy na enjoy ang kontrabida roles: Ang saya pala

INAMIN ng aktres at isa sa mga casts sa “FPJ’s Batang Quiapo” na si Mercedes Cabral na masaya siya sa pagganap bilang kontrabida.

Sa latest vlog ng broadcast-journalist na si Julius Babao na uploaded nitong Martes, July 9, nausisa ang aktres tungkol sa kanyang role sa ABS-CBN aksyonserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si Mercedes ay gumaganap bilang si Lena, ang matapang na kabit ni Rigor na ginagampanan naman ni John Estrada.

Para sa kanya, mas na-enjoy niya ang pagiging kontrabida kumpara sa pagiging bida na minsan na rin niyang naranasan.

Baka Bet Mo: Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa

“Nae-enjoy ko siya actually. Nae-enjoy kong magkontrabida kumpara sa…kasi na-experience ko na ring maging bida. May ginawa akong teleserye. ‘Yong ‘Hiyas.’ ‘Yon ‘yong unang-unang teleserye ko,” pagbabahagi ni Mercedes.

Dagdag pa niya, “Nakakapagod din siya kasi siguro, like, portraying ang bida rin. Ang bigat. Like, emotionally parang ‘yong demand niya like kawawa ka. ‘Yong demand na iiyak ka.”

Kapag kontrabida raw kasi ay mas nag-eenjoy siya sa paglabas ng “masamang ugali”.

“Pero ‘pag kontrabida, na-realize ko parang ‘wow ang saya pala na nilalabas mo ‘yong sama,'” amin ni Mercedes.

Hindi naman ito ang unang beses na gumanap siya bilang kontrabida dahil nasubukan niya na ito sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba”.

Read more...