Zsa Zsa Padilla, ‘Home Da Riles’ cast dumalaw sa puntod ni Dolphy

Zsa Zsa Padilla, 'Home Da Riles' cast dumalaw sa puntod ni Dolphy

GINUNITA ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang nag-iisang Comedy King na si Dolphy sa araw ng kanyang kamatayan.

Nitong Miyerkules, July 10 ginanap ang ika-12 anibersaryo buhat nang namayapa ang komedyante.

Dinalaw nga ni Zsa Zsa ang puntod nito sa Heritage Park sa Taguig para mag-offer ng bulaklak para sa dating partner.

“It’s Dolphy’s 12th year death anniversary today. RIP, Lovey.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa nasorpresa rin sa pagpo-propose ni Yael kay Karylle

“You are always in our thoughts and prayers,” saad ni Zsa Zsa kalakip ang larawan nito sa tabi ng puntod ng dating asawa.

Ilan sa nag-comment sa kanyang Instagram post ay ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon.

“As always, Zsa! Thank you for the flowers,” pagpapasalamat nito.

Taong 2012 nang mamatay si Dolphy sa edad na 83 dahil sa sakit nitong chronic lung disease at multiple organ failure.

Sa ngayon ay in a relationship na rin si Zsa Zsa sa architect na si Conrad Onglao.

Bukod naman kay Zsa Zsa ay dumalaw rin ang ilan sa mga “Home Along Da Riles” co-stars ni Dolphy na sina Claudine Barretto, Nova Villa, Maybelyn dela Cruz, Smokey Manaloto, Dang Cruz, son Vandolph Quizon, at Boy2 Quizon.

Sa katunayan, ipinost ni Boy2 ang tila mini reunion nila sa Instagram habang nagbibigay tribute sa namayapang “Tatsy Kevin” nila, ang kilalang karakter ni Dophy sa palabas.

“Remembering Tatay Kevin’s 12th Death Anniversary. We miss you, our Tatay Kevin. [light blue heart emoji],” saad ni Boy2.

Samantala isang speech naman ang alay ni Nova Villa para sa namayapang kaibigan na nagpaiyak sa mga kasamahan.

“Bagama’t hindi ka namin nakikita, nakakasama ng personal. Pero kahit kailan hindi ka nawala. Nandito ka sa aming mga puso,” saad ng veteran actress.

Read more...