Kim sa pag-handle ng heartbreak: Hindi ako lalabas na sad at umiiyak

Kim sa pag-handle ng heartbreak: Hindi ako lalabas na sad at umiiyak

Xian Lim at Kim Chiu

HANGGA’T maaari ay hindi dinadala ng actress-TV host na si Kim Chiu ang mga personal niyang isyu o problema kapag nasa trabaho.

Iyan ang inamin ng dalaga nang maging guest sa pilot episode ng Visayan talk show ni Melai Cantiveros na “Kuan On One” kung saan napag-usapan nila kung paano ba sila mag-handle ng heartbreaks.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor magaling umarte pero pasaway sa taping; problema ng production

“Hindi, kasi hindi naman ako lalabas na sad na umiiyak ka, na kuan ka.


“Meron kasing nagsabi sa akin, na huwag kong dalhin ‘yung personal kong problema sa harap ng maraming tao.

“Kasi, hindi naman ako ma-explain ang sarili ko kung anong nangyayari sa akin, ang i-explain ko sa ‘yo ‘Uy, etong nangyari sa akin,'” simulang pagpapaliwanag ni Kim.

Mas gusto raw kasi niyang sinosolusyunan ang kanyang mga personal problem para wala nang madamay o ma-involve na iba.

“Ang daming tao sa buong Pilipinas, na nanonood ng TV sa’yo, kahit saan ka nila pinapanood, hindi ko ma-explain ang sarili ko.

Baka Bet Mo: Gerald, Julia wala nang magiging problema kapag nagdesisyon nang magpakasal dahil…

“So sarilinin ko na lang ‘yung pinagdadaanan ko na hirap, ako na lang ako. Kunwari sa Showtime, tatlong oras lang ‘yan, tatlong oras lang na tawanan, may 24 hours sa isang araw so puwede na akong bumalik sa sarili ko. Ganyan hindi ko dadalhin ang problema sa trabaho,” pagbabahagi pa ng rumored girlfriend ni Paulo Avelino.


Pero sabi ni Kimmy kay Melai, naniniwala siya na okay lang din naman na ipakita o iparamdam sa mga taong nagmamahal at magmamalasakit sa yo ang tunay na nararamdaman.

“Kung gusto mo dalhin mo ang problema sa kung nasaan ka, pwede naman to show vulnerability pero hindi lagi.

“Malay mo meron pang mas mabigay na problema ‘yung isa doon, hindi lang siya nagsasalita. Pero ang importante rin na mayroon kang kausap, para hindi ka mabaliw,” sey ni Kim.

Para sa aktres, experience pa rin ang best teacher sa buhay, “I-feel mo lang tapos hindi mo-ideny, hindi mo i-kuan tanggapin mo na ganu’n talaga ang nangyari hindi mo kasalanan, hindi rin kasalanan nu’ng lalaki or ng kahit sino, walang may kasalanan.

“Nangyari lang talaga siya, kasi hindi ka pa pinapanganak ‘yun na ang sinulat ng Diyos. So, God’s will ang lahat ng nangyayari sa’yo. Okay lang tanggapin, magpasalamat ka sa pain, sa happiness and all pero wala kang galit sa kahit sino,” paliwanag pa ni Kim Chiu.

Read more...