Kapatid ni Geneva Lopez umapela: Bakit may mga taong kayang pumatay?

Kapatid ni Geneva Lopez umapela: Bakit may mga taong kayang pumatay?

Geneva Lopez

LABIS-LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng naulilang pamilya ng nasawing Mutya ng Pilipinas contestant na si Geneva Lopez at ng fiancé nitong si Yitzhak Cohen.

Nitong nagdaang Linggo nagsimula ma ang wake para sa labi ng beauty pageant contestant sa kanyang hometown sa Sto. Tomas, Pampanga.

Ito’y matapos ngang madiskubre ang bangkay ni Geneva at ng kanyang fiance  isang quarry site sa Capas, Tarlac nitong Sabado, ilang araw matapos silang maiulat na nawawala.

Baka Bet Mo: Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: ‘It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina’

Makikita sa burol ng dalaga ang mga puting bulaklak at ilang memorabilia mula sa mga sinaluhang beauty pageant, tulad ng kanyang sash at korona sa Mutya ng Pilipinas.

Nakapatong naman sa kanyang ash urn ang kuwintas at engagement ring na bigay ng Israeli fiance na si Yitzhak.

Sa isang panayam, sinabi ng isang kapatid ni Geneva na matinding dagok sa kanilang pamilya ang nangyari, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala na patay na ang dalaga.

“Ang pinakagusto ko sa kanya, napaka-positive niya. Sa family namin, siya yung pinaka-loveable. Mapagbigay, hindi siya madamot talaga.

“Growing up hindi kami mayaman pero siya, nagbibigay talaga siya. Mabait siya,” sabi ng kapatid ng beauty queen.

Sabi pa nito, hindi nila inakala na mapapasabak sa mga beauty pageant si Geneva. Ang alam nila, maraming pangarap ang dalaga lalo na sa negosyo nila ni Yitzhak.

Baka Bet Mo: Ai Ai dumulog sa NBI para hantingin ang mga ‘pumatay’ sa kanya sa socmed

“Gusto niya pretty siya, lagi siya nakaayos pero not to the point na sasali siya. Nabigla din kami kasi noong time na yun, saktong pag-engage niya.

“Sabi niya sa amin ‘gusto ko sumali sa ganyan, sa mga beauty pageant. Gusto ko maranasan yung single life bago kami ikasal ni Yitzhak,’” sabi pa ng kapatid ni Geneva.

Samantala, parang tunay na kapatid na raw ang turing ng kaibigan at pageant mentor na si Lian Dasco kay Geneva. Anim na taon na raw silang magkaibigan ng dalaga.

“If there’s a word more than being siblings, it is more than that. I can say confidently that I would exchange my life just for her,” sabi ni Dasco.

“We got to the point na inseparable. She’s someone you can rely on. If you talk to her, she’ll make sure na you’ll feel comfortable with her. More on, parang mas okay sa kanya kung ang conversation ay may sense,” aniya pa.

Grabe raw ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa sinapit ng kaibigan, pero aniya, “Wala na akong ibang maisip kundi magpasalamat na finally nahanap na namin siya.”

Sabi naman ng kapatid ni Geneva, sana’y makamit agad nila ang hustisya, “Gusto kong malaman bakit may mga taong masasama ang loob na kayang pumatay ng tao.

“Sana ma-realize mo na yung taong kinuhanan mo ng buhay, hindi niya deserve yun – mawala nang maaga. Marami siyang pangarap,” aniya.

Sabi naman ni Dasco, “Bakit natin kailangan pumatay para sa pansarili nating interes? Inalisan niyo sila ng kaibigan, inalisan niyo sila ng kapamilya, ng kapatid.”

Sabi naman ng abogado ng pamilya ni Geneva na si Jonnifer Lacanlale sa interview ng ABS-CBN, itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa pumatay sa mga biktima.

“As soon as we get the relevant documents, for example the investigation result… we will study everything and move forward from there.

“I was told the results of the autopsy but I haven’t seen the actual material,” pahayag ni Atty. Jonnifer Lacanlale.

Ngayong darating na Biyernes nakatakdang ilibing ang labi ni Geneva sa Sto. Tomas, Pampanga.

Read more...