Zeinab, Bobby Ray ibinandera ang BTS ng bonggang wedding engagement

Zeinab, Bobby Ray ibinandera ang BTS ng bonggang wedding engagement

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

FOLLOW-UP ito sa naisulat naming announcement ni Zeinab Harake na nag-“yes” sa wedding proposal ni Bobby Ray Parks Jr.

Ibinandera na kasi sa isang YouTube vlog ang behind-the-scenes ng naging paghahanda ng basketball player para sa bonggang sorpresa niya sa social media star.

Mapapanood na inaya nila si Zeinab na magpupunta sila ni Bobby sa isang birthday party.

Pero nang dumating na sila sa venue, tila kinutuban na ang vlogger sa mangyayari.

“Ayan na! Sinasabi ko na, e!” sey niya.

Kasunod niyan ay nagbigay ng mensahe si Bobby, “I’m truly blessed to call you my best friend, my lover, and my biggest supporter. So, I hope that you feel the same way towards me.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Ray Parks Jr. ikakasal na, ibinandera ang engagement

“I want to continue to build a Christ-centered relationship in which I will lead and serve you [to] the best of my abilities,” patuloy niya.

“Your genuine, loving, compassionate heart [is] the crown of your beauty. You and the kids are my home and I can’t imagine life without y’all… With that being said, I brought all of our friends, family, and loved ones here today to bear witness, and ask you one thing — Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world and marry me?” sey pa niya at bigla na ngang lumuhod at inalok na ng kasal ang socmed personality.

Bukod sa proposal, mapapanood din sa vlog na humingi muna ng approval si Bobby sa pamilya ni Zeinab, kabilang na riyan ang parents, mga kapatid at mga anak nito.

Sa pamamagitan naman ng Instagram, makikita ang short video na ipinapakita ni Bobby ang pear-shaped diamond ring habang si Zeinab ay nakatalikod.

Caption niya, “Ain’t playin’ with your heart ‘cause that’s too much to lose.”

Ilan lamang sa mga internet personalities at celebrities na nagpaabot ng “congratulatory” messages ay sina Iza Calzado, Yassi Pressman, Alex Gonzaga, Sofia Pablo, Verniece Enciso, at Jelai Andres.

Kung matatandaan, noong 2022 nang inanunsyo ni Zeinab na siya ay in a relationship, pero hindi pa ibinunyag kung sino.

At makalipas ang halos isang taon, kinumpirma niya sa publiko na dyowa niya ang basketball player.

Si Zeinab ay may adopted child na si Lucas at may anak din na si Bia mula sa dating boyfriend na Skusta Clee.

Read more...