Seth hugot na hugot sa love; Family Feud ni Dingdong mas pinabongga

Seth hugot na hugot sa love; Family Feud ni Dingdong mas pinabongga

Dingdong Dantes at Seth Fedelin

PAG-IBIG para sa isang taong na-hurt nang bonggang-bongga ang ibinida ng Kapamilya actor-singer na si Seth Fedelin sa kanyang comeback single na “Di Ka Nag-Behave.”

Ibinihagi ni Seth sa hip hop track ang mensahe ng pagkahulog sa taong nasaktan sa pag-ibig. Sa groovy at catchy nitong tunog, ikinuwento niya ang iba’t ibang bagay na handa niyang gawin para masungkit ang puso ng minamahal.

Baka Bet Mo: Vice, Anne maglalaban sa ‘Family Feud’ season 2; Dingdong bet maging contestant kapag si Marian ang host

Nagsilbing executive producers ng awitin sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang inareglo ito ni Michael Cursebox Negapatan at isinulat ni Jonnell Sarmiento.

Unang nakilala si Seth nang maging housemate ito sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018.


Ipinakita niya ang talento bilang aktor sa kanyang pagbida sa iba’t ibang series tulad ng “Huwag Kang Mangamba,” “Lyric & Beat,” “Dirty Linen,” at “Fractured.” Nakatakda naman siyang bumida sa upcoming film na “My Future You” kasama ang onscreen partner na si Francine Diaz.

Bilang recording artist, inilabas ni Seth ang kanyang unang single na “Kundi Ikaw” noong 2022.

Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang soundtracks tulad ng “Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba” mula sa “Hello Stranger,” “Hindi Kita Iiwan” mula sa “Lyric & Beat,” at “Mamahalin Kita Palagi” mula sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!”

Pakinggan ang nakakakilig na mensahe ni Seth sa bagong single na “Di Ka Nag Behave” na available sa iba’t ibang streaming platforms.

* * *

Simula sa July 8, mamimigay ng papremyo na aabot sa mahigit P2 milyon ang Kapuso game show na “Family Feud” – ang mga Kapuso viewer, may pagkakataon ding manalo.

Ngunit hindi lang ang mga tumatangkilik sa “Family Feud” ni Dingdong Dantes ang may chance manalo sa bagong “Guess to Win” promo, kung hindi maging ang mga tumatangkilik sa mga programa sa GMA Afternoon Prime block.

Baka Bet Mo: Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla

Limang “Guess to Win” promo questions ang ipakikita sa commercial break ng mga programang “Abot Kamay Na Pangarap,” “Lilet Matias: Attorney-at-Law,” “Fast Talk With Boy Abunda,” “Voltes V: Legacy,” at “Eclipse of the Heart.”

Maaaring ipadala kaagad ng viewers ang kanilang sagot sa sandaling makita ang tanong. Dalawa pang katanungan ang ipakikita naman sa episode ng “Family Feud.”


Maaaring ipadala ng viewers ang kanilang sagot sa official promo website na: www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.

Kaagad ding malalaman ng viewers kung sino ang mga mananalo sa mismong araw na ipinadala ang mga katanungan sa “Family Feud.” Mayroong daily winners ng tig-P20,000.

Para makasali sa promo, dapat Pilipino at nasa edad 18 pataas ang viewers. Dapat may kahit isang government-issued ID, verified email address, at valid mobile number. Tanging mga viewer na nasa Pilipinas lamang ang maaaring lumahok sa promo.

Magsisimula ang promo sa July 8 hanggang sa August 2, 2024. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang: www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.

Samantala, maaaring manalo ng hanggang P1.25 million ang teams sa “Family Feud” bawat linggo, Habang P700,000 naman para sa mga loyal viewer via “Guess to Win” promo. Ang mapipiling charities ng mga mananalo, tatanggap naman ng P100,000.

Napapanood ang “Family Feud” mula Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. bago mag- “24 Oras”.

Read more...